ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 15, 2025
Photo: Maris Racal - Instagram - Incognito
Aminado si Maris Racal na nagulat din siya sa mga positive reviews sa kanyang pagganap bilang Gab Rivera sa Incognito.
Aniya sa kanyang panayam kay MJ Felipe bago siya tumulak patungong Berlin, Germany, kabado raw siya talaga noong una dahil baka hindi tanggapin ng tao ang kanyang karakter sa nasabing action-serye.
“Kinakabahan ako kung paano nila ia-accept ‘yung role ko as Gab Rivera, kasi first time kong mag-action,” aniya.
“I’ll be honest, I was conscious about it. There’s a little bit of insecurity ‘coz (because) it’s going to be my first time. They might think na hindi naman siya astig, hindi bagay. But nagulat ako sa reviews, sa mga comments, na gusto nila ‘yung character ko doon,” saad pa ng aktres.
Isa nga sa mga maingay na pinag-usapan ang kanyang bonggang eksena sa Baguio kung saan ay tumakbo siya sa forest nang naka-bra and panty lang.
“Super-lamig. Nanginginig lang ako the whole time,” sey ni Maris.
“I can say that I am very confident with my body,” saad pa niya.
Kaya nga raw nang sinabi sa kanya ang eksena, game raw siya agad.
“So, nabasa ko ‘yung script - panty at bra, tatakbo. Sabi ko talaga, ‘Hello, bukas na ba ito kukunan?’
“‘Yes po.’ ‘Okay, sige, game!’ Tapos sabi nila, ‘Kung ‘di ka naman comfortable, puwede ka naman mag-cycling (shorts). Sabi ko, ‘Hindi! Itodo natin ‘to! Game ako!’” tsika niya.
“I just felt powerful,” dagdag niya.
Aniya, “Wearing that didn’t faze me. Very comfortable (ako) with my whole body, tumakbo lang, no one was watching. It encourages you to be confident with your body.”
Nang matanong naman kung kumusta na sila ni Anthony Jennings na kasama rin niya sa Incognito after ng cheating scandal nila, aniya ay professional naman sila at ginagawa ang mga hinihingi sa kanila para sa eksena.
“Right now sa set, we’ve been really supportive of each other when it comes to the scenes.
“Like we see to it that we make the scenes as natural as possible still, like the scenes that we used to do in Can’t Buy Me Love. Like we still have that energy on set, focus kami sa work ngayon,” pahayag pa niya.
Natanong din kung wala ba siyang galit at saad niya, “Wala. Like I said, inner work. It’s really best to be in tune with your soul, your spirituality so that it reflects on the outside.”
Sa ngayon daw ay naka-focus siya sa spiritual aspect ng buhay niya.
“I feel like I am more in tune with God now. Just be present wherever I am,” sey niya.
At the height of the controversy, mas pinili na lang daw niyang ibaling sa iba ang kanyang energy para makatulong sa kanyang pagbangon.
“Yes, nagbundok ako. I wrote songs. I did a lot of things that could help me with my mental health,” saad ng dalaga.
Samantala, kasalukuyang nasa Berlin na si Maris Racal para dumalo sa Berlin International Film Festival kung saan kasali sa kompetisyon ang kanyang pelikulang Sunshine.
EXCITED na si Primetime King Coco Martin sa pagsasama-sama ng mga sikat na artista at beteranong mga pangalan sa industriya sa FPJ’s Batang Quiapo na nagbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon ng serye.
Sa Tatak BQ: The FPJ's Batang Quiapo 2nd Anniversary Special, ikinuwento ni Coco kung gaano siya kasaya sa oportunidad na ito. Kamakailan nga lang ay inanunsiyo ang bagong cast members tulad nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Albert Martinez, Chanda Romero, Celia Rodriguez, at marami pang iba.
Para kay Andrea, inamin niyang nape-pressure siya sa pagsalang sa isang bigating cast.
“I am feeling a bit pressured, pero I am more grateful than I am pressured. I will use that pressure as motivation to be better kasi iba ang experience dito sa BQ. Matagal ko nang inire-request na gusto kong mag-action,” sabi niya.
Malaki rin ang pasasalamat ni Jake na muling makatrabaho si Coco matapos nilang magsama sa ilang Kapamilya teleserye noon na tinangkilik ng mga manonood.
“I’m really grateful to be part of this big and successful project. I’m just excited to experience the best version of Coco Martin,” sabi ni Jake.
Proud din ang veteran actresses na sina Chanda at Celia na mapabilang sa napakahalagang serye at excited na rin sila na makaeksena si Coco.
Samantala, ipinahayag din nina Albert at Angel kung gaano sila kasaya sa kanilang pagbabalik-aksiyon kasama si Coco matapos nilang mapabilang sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan importanteng mga karakter ang ginampanan nila.
Mapapanood ang three-part special ng Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special sa Facebook pages ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
Comments