top of page
Search
BULGAR

Game gastusan kahit magkano… CHAVIT, ISASAMA ANG MGA KOREAN STARS SA MGA KAPUSO STARS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 28, 2024



Photo: Luis Chavit Singson - FB


Maganda ang plano ni Chavit Singson upang makatulong sa mga negosyo sa TV at movie industry, ganoon din sa modernized transportation. Una siyang nag-venture at nagtayo ng negosyo sa Korea. At ngayon ay tuloy ang kanyang pakikipag-co-produce sa GMA Network ng ilang TV shows at pelikula. 


Balak isama ni Chavit ang ilang Korean stars sa mga Kapuso stars para sa projects na kanilang gagawin, at handa niya itong gastusan para mas lumawak pa ang viewership ng GMA Network. 


Samantala, nagpahayag pa rin ng interes si Chavit na muling i-produce ang Ms. Universe beauty pageant. Ito ay sa kabila ng kanyang pagkalugi noong una niyang binili ang franchise ng pageant. 


Naniniwala pa rin siya na magbibigay ng prestige sa Pilipinas ang Ms. Universe kapag ito ay gagawin sa ating bansa.


Puwede itong mag-boost ng turismo kapag ipinakita ang magagandang tourist spots sa ‘Pinas. 


Sa ngayon, ang kanyang kandidatura bilang senador sa darating na 2025 elections ang pinagkakaabalahan ni Chavit Singson, kung saan isa siyang independent candidate.


 

HINDI matapus-tapos ang mga papuri ng mga nakapanood ng Green Bones (GB) kina Dennis Trillo at Ruru Madrid. So far, ito raw ang pelikulang pinaka-nag-excel at tumatak nang husto ang husay at galing ni Dennis bilang aktor. 


Sobrang intense ng kanyang character na ginampanan, at nasabayan ni Ruru ang kanyang galing. 


Lahat ng nakapanood ay naantig sa mga eksena ng GB. Napakaganda ng istorya, ganoon din ang pagkakadirek ni Zig Dulay.


Kaya hindi na nakapagtataka kung ang GB ang tanghaling Best Picture sa MMFF 2024. 

And for sure, tulad ng Firefly last year, magiging word of mouth ang GB at pag-iinteresang panoorin. 


Well, ang mga Kapuso actors na tumatatak at lalong humuhusay sa pag-arte ay sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, at Ruru Madrid.


 

ACTING piece para kina Arjo Atayde at Julia Montes ang pagganap nila sa kanilang role sa pelikulang Topakk. Napakalaki ng naging transformation ni Arjo Atayde at talagang nagpamalas ng galing sa isang hard action movie. Mukhang dito nga lilinya ang actor-politician na mister ni Maine Mendoza. 


Maikukumpara si Arjo sa magagaling na action stars tulad ng yumaong si Rudy Fernandez at Ace Vergel. Puwede siya sa drama at action movies.


Well, ginastusan nang husto ng Nathan Studios ang Topakk, at grabe ang special effects na ginamit sa action scenes. 


Bukod kina Arjo at Julia Montes, markado rin ang role rito ni Sid Lucero na pang-Best Supporting Actor ang dating. Pasadung-pasado naman si Julia Montes bilang Action Queen, kinaya niya ang mahihirap na stunts na ginawa niya sa movie.


Tiyak na magugustuhan ng kalalakihan ang Topakk


 

PAREHONG masaya ang holiday season sa pamilya nina Michael V. at Manilyn Reynes. Nagkaroon sila ng bonding time sa kanilang mga mahal sa buhay. 


Tradisyon nang gawin ni Bitoy (Michael V.) na magbakasyon abroad kasama ang kanyang pamilya at doon sila nagdaraos ng Pasko at Bagong Taon. Ito na rin ang pinakaregalo ni Michael V sa kanyang sarili dahil nakakapagpahinga siya sa taping ng Pepito Manaloto (PM) at Bubble Gang (BG). 


Si Manilyn naman, kahit ang PM lang ang show niya sa GMA-7 ay kuntento na dahil mahigit 20 years nang umeere ang comedy serye at maganda ang feedback sa ratings ng kanilang sitcom.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page