top of page
Search
BULGAR

Galit na galit, nasaan na raw ang puso… "UNBELIEVABLE KIND OF GOVERNMENT" — KIM

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 19, 2020




Last Friday (July 17) ang last day of work ng mga ABS-CBN employees na apektado ng retrenchment bunga ng hindi pagkaka-renew ng franchise ng network. Kani-kanyang post ng pamamaalam ang mga empleyado sa kani-kanilang social media accounts kaya naman sobrang nakakadurog din ng puso na mabasa ang kanilang farewell posts lalo pa nga’t ang karamihan sa kanila ay matatagal na sa istasyon.


Maging ang mga Kapamilya stars ay durog na durog na naman ang puso sa bagong dagok na ito sa kanila.


Ramdam na ramdam namin ang bigat ng loob ni Kim Chiu sa kanyang Instagram Story.


“Just read the messages of my co-workers saying their bye and thank you. Why are we experiencing this?!! Why are they doing this to us?!


“Masaya na ba kayo sa nagawa n'yo?! Nakakagalit na rin!! Sino ba ang puno't dulo nito?! Nasaan na ang puso mo?!!!! Nasaan?!


“GRABE! GRABE KAYO! Para kayong mga hindi Pilipino! Nakakagalit ng sobra!!!!!! Unbelievable kind of government!!!!!!” ang unang post ni Kim.


Sa pangalawa niyang post ay sinabi ni Kim na kung may magagawa lang daw siya para maalis ang sakit na nararamdaman ng mga kasamahang nawalan ng trabaho.


“If only I could hug you all Kapamilya. If only we could do something to take away the pain that you are feeling right now. If only those 70 congressmen and women have the heart to choose what is right. If only we have a leader and not a ruler,” aniya pa.


Ramdam din namin ang labis na pag-aalala ni Kim sa mga nawalan ng trabaho lalo na nga ang mga breadwinners, single moms at padre de familia.


“Heart is broken reading posts sa mga kakilala ko nang napakatagal na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara sa abs-cbn. Breadwinner, father of the family, single mom and many more.


“Grabe. Ngayon talaga!!!!! SOBRA KAYO!!!!!!” ang pahayag pa ni Kim na halatang nagngingitngit sa galit.


Nag-tweet din si Maja Salvador na nadurog ang puso niya nang matanggap ang text ng kanyang road manager na isa rin sa mga apektado ng retrenchment.


“Nadurog ang puso ko. Ang sakit-sakit na wala kang magawa, maitulong sa mga taong nakasama mo sa trabaho. - Maj, wala na ang RNG. - Tapos na ang laban 1 1/2 month ko na lang kayo makakatrabaho - I will always be grateful na naging RM n'yo ako at naging alaga ko kayo,” ang tweet ni Maja.


Nakakadurog naman talaga ng puso na makita ang pagkawala ng trabaho ng mga kakilala’t kaibigan sa ABS-CBN. Sa panahon pa naman ngayon na kailangang-kailangan nila ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. Gustuhin man nilang magtrabaho sa iba, napakahirap din dahil nagtatanggalan din sa ibang kumpanya because of the pandemic.


Sobrang nakakalungkot talaga.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page