top of page
Search

Ex-GF mo, Jak, todo-abrisyete sa aktor… GALAWAN NINA BARBIE AT DAVID, PANG-MAGDYOWA NA

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 12, 2025





Nakakatuwa ang BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) fans, may mga hindi nakatulog sa kilig nang mapanood ang videos nina Barbie Forteza at David Licauco na sweet na sweet habang nasa float. Guest kasi ang dalawa sa ginanap na Kanlahi Festival sa Tarlac noong isang araw, kasama sila sa pumarada sakay ng float.


Mula pagsampa sa float, habang tumatakbo at hanggang matapos ang parada, sweetness overload ang nakita sa dalawa. Kaya naman ang BarDa fans, walang pagsidlan sa kilig. May mga nagtanong nga ng “Sila na ba?”


Dahil ito sa sabi nga ng fans, galawang magdyowa nina Barbie at David. 

Naka-abrisyete si Barbie kay David at kapag kumawala ang aktres, kinukuha ni David ang braso nito para ibalik sa pag-abrisyete sa kanya. 


Sabi naman ng ibang fans, ginawa lang ‘yun ni David bilang precaution at baka may mangyari kay Barbie habang tumatakbo ang float.


Nag-request tuloy ang BarDa fans sa Sparkle at GMA na bigyan pa ng maraming guestings sina Barbie at David, kahit sa mga piyesta para lang laging magkasama. Kita naman sa mga larawan ang sweetness ng dalawa.


 

MASAYA ang RasTro fans nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na finally, magkasama na sila sa isang pelikula. Matagal nilang hinintay na magsama ang dalawa sa movie after nilang magtambal sa GMA-7’s GL o girl love series na The Rich Man’s Daughter (TRMD), kung saan gumanap silang lovers.


Ang daming nag-ship at kinilig kina Rhian at Glaiza at ginawan pa nga ng kuwento na totoo silang may relasyon. Kahit nag-asawa na si Glaiza at nagka-boyfriend si Rhian, hindi natigil ang pagsi-ship sa kanila at mga requests na muli silang pagsamahin sa TV man o sa pelikula.


Natupad ang pangarap ng RasTro dahil magkasama sina Rhian at Glaiza sa pelikulang Sinagtala. Band members ang kanilang role at makakasama sina Rayver Cruz, Matt Lozano at Arci Muñoz na pare-parehong musically inclined.


Hindi lang basta band movie ang pelikula, may story ito, mula sa pagsikat ng Sinagtala Band hanggang sa pagkalaos. 


Ipapakita rin ni Director Mike Sandejas ang hirap at challenges na pinagdaanan ng mga band members nang malaos ang banda.


Si Rhian bilang si June ang drummer ng banda, may identity crisis; si Rayver ay si Reggie, lead vocalist; si Arci ay si Karla, bassist at single mom; si Matt ay si Isko, lead guitarist at hindi makapag-gender reveal dahil galit sa mga bading ang ama; si Glaiza ay si Paola, keyboardist at may haharaping health problem.


Napanood namin ang ilang behind-the-scenes reels ng Sinagtala na nag-recording at tunay nilang boses ang maririnig na kakanta. Ipapakita rin si Rhian playing the drums, si Rayver na kumakanta, si Glaiza on keyboard at sina Arci at Matt playing the guitar. 


Sana, may eksena si Arci na kumakanta, rocker ang aktres at lead vocals dati ng isang rock band na member si Dion Ignacio.


Produced ng Sinagtala Productions, showing na sa April 2 ang Sinagtala na ang tagline ay “Iba’t ibang buhay, musika ang nagbuklod.”


 

MATAGAL pa pala nating makikitang bald si Ryza Cenon dahil ang next movie niya sa Viva Films pagkatapos ng Lilim ay kalbo rin ang kanyang karakter.


In fairness, bagay sa aktres ang kalbo. Sabi nga ng mga netizens, isa siya sa mga babaeng kalbo na maganda pa rin. May mga nagre-request nga sa kanya na huwag na siyang magpatubo at magpahaba ng buhok. Puwede raw siyang magsuot ng wig kung kailangang may buhok siya sakaling may project na may buhok ang kanyang karakter.


Kaya swak sa pagiging kalbo ang role niya sa Lilim na member ng isang kulto. Hindi na niya kailangang magpakalbo o magpalagay ng prosthetics dahil kalbo talaga siya. Natuwa sigurado sa kanya si Director Mikhail Red.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page