ni Mharose Almirañez @Lifestyle | January 8, 2023
Bagong Taon na naman, tinatamad ka pa rin ba? Naku, beshie, magbagong buhay ka na!
Sabi nga nila, iwanan mo na ang lahat ng iyong bagahe sa nagdaang taon upang makapagsimula ng panibagong taon. I-welcome mo sa ‘yong buhay ang lahat ng positivity. Gawin mong produktibo ang bawat araw para maging makabuluhan ang isang buong taon.
Paano nga ba mangyayari ‘yan? Well, every gising is a new day. Bumangon ka na at mag-unat. Ayusin mo ang iyong pinaghigaan, kasabay ng pag-aayos ng iyong sarili. Huwag mo rin kalimutang magpasalamat sa Panginoon sa panibagong araw na ginising ka Niya.
Ituluy-tuloy mo lamang ang ganyang routine at sundin ang mga sumusunod:
1. MAUNANG GUMISING SA ALARM. Napatunayan na mas nagiging maganda ang mood ng isang tao sa buong araw tuwing nauuna siyang gumising sa kanyang alarm. ‘Yung tipong, may moment pa siyang tumingala sa kisame at magmunimuni bago bumangon sa kama.
2. MAG-ALMUSAL. Ayon sa research, nakakatulong ang pag-aalmusal upang ma-meet mo ang iyong dietary guidelines. Napapatibay din nito ang iyong mga buto, napapaganda ang iyong digestion at napapalusog ang puso. Habang ang ilan naman na nag-i-skip breakfast ay posibleng magkaroon ng mas mataas na blood cholesterol, kaya may ilang nagsasabi na almusal ang pinakamahalagang meal sa buong araw.
3. MALIGO. Ang pagligo ay nakaka-refresh ng utak at nakaka-energize ng katawan, kaya paniguradong sisipagin ka talagang kumilos sa oras na makaligo ka na. Isama mo na rin ang pagdumi at pagsisipilyo.
4. LINISIN ANG KAPALIGIRAN. Nakakaganang kumilos kapag maaliwalas ang iyong kapaligiran, kaya bukod sa pag-aayos ng sarili ay ayusin mo rin ang mga nasa paligid mo. Maaari mo itong simulan sa pagtatapon ng mga basura, paghuhugas ng pinagkainan, pagpupunas ng desk, pagpapagpag ng upuan at pagwawalis ng sahig.
5. ILISTA ANG MGA GAGAWIN. Mainam na umpisa pa lang ng araw ay alam mo na ang mga gagawin mo sa maghapon. Gumawa ka ng to-do list at itsek ang mga na-accomplish mo na. Mag-set ka rin ng time frame kung ano’ng oras mo ‘yun dapat matapos. Unahin mong gawin ‘yung mahihirap para unti-unting gumaan ang iyong mga gawain.
6. MAG-FOCUS. I-set aside mo muna ang distractions. Huwag mong intindihin ‘yung mga tao o bagay na walang mabuting idudulot sa ‘yo. Ang mahalaga ay marami kang ma-accomplish within the day. Tandaan ang goal mo na maging productive every day.
So beshie, tigilan mo na ang pagpo-proscastinate. Hindi pa naman huli para buhayin ang iyong will of fire. Ngayong Enero ay simulan mo na gawing makabuluhan ang iyong buhay upang hindi masayang ang oras, araw at taon. Maging productive ka the way you always wanted to be.
Okie?
Comments