top of page
Search
  • BULGAR

Gagawing movie ni Rufa Mae, na-X agad… IT’S SHOWTIME, TAGILID NA NAMANG MASUSPINDE NG MTRCB

ni Julie Bonifacio @Winner | September 8, 2024



Showbiz News

Sunud-sunod ang birada ng mga “controversial” jokes ni Unkabogable Star Vice Ganda sa episode ng It’s Showtime (IS) kahapon. 


Unahin na natin ang pagbanggit niya tungkol sa pag-X ng MTRCB (Motion and Television Review and Classification Board) sa proyektong gustong gawin ng isa sa mga hurado sa bagong segment ng IS, ang Throwbox, na si Rufa Mae Quinto. 


May gusto raw gawin si Rufa Mae na project na may titulong Todo Na ‘To @Rufa Mae Quinto (Kuwento).


Sey ni Vice, “Ipinresent namin kay Sir Carlo (Katigbak) at kay Tita Cory (Vidanes). ‘Tita Cory, gusto raw magkuwento tungkol sa fairy tales ni Rufa Mae.’ Ipinresent namin sa MTRCB, X agad.”


Eh, ‘di nga ba’t mainit na pinag-uusapan ang pagbibigay ng X rating ng MTRCB sa dalawang local films, ang Dear Satan (DS) at ang Alipato at Muog (ATM). Tapos, may kumakalat din sa socmed (social media) na baka masuspindeng muli ang IS.


Anyway, naipasok ang usapan na makikipag-brainstorm si Rufa Mae kung paano aayusin ang show. 


Dito nag-comment si Ogie Alcasid ng ganito, “Mahilig talaga mag-brainstorm ‘yan.” 

Sagot naman ni Rufa, “Oy, alam mo ‘yan, Ogie. ‘Di ba Ogie, brainstorming tayo lagi?” 


Umoo naman si Ogie. Tapos ay sumingit muli si Vice, “‘Yung close pa kayo. ‘Di ba nagka-something kayo?” 


Rufa Mae, Ogie at Vice - It's Showtime

Natawa nang malakas si Ogie, habang idinenay naman ito ni Rufa.

Samantala, isa pang viral na tsikahan sa IS ay ang tila pahaging sa national issue tungkol sa pagkakadakip kay Alice Guo.


Sey ni Vice Ganda kina Jackie Gonzaga at Vhong Navarro, “Gagawa ng kung ano-ano, tapos lalayas ng Pilipinas, tapos magpapa-picture.”


No wonder aliw na aliw ang mga televiewers sa pagtutok sa It’s Showtime araw-araw tuwing tanghali.


 

SOBRANG excited at saya ni Kristof Garcia sa pagkakasali ng pelikula nilang Talahib sa isang film festival tulad ng Sinag Maynila International Film Festival (SMIFF) ngayong taon, na produced ng Feast Foundation.


“One year din namin ‘tong hinintay at first time ko pong na-experience na may movie sa film festival,” lahad ni Kristof.

All-praises ang direktor ng Talahib na si Direk Alvin Yapan sa pagbibigay ni Kristof ng mahusay na performance sa kanyang role sa pelikula. 


“Wow! Salamat po,” sambit ni Kristof. 


“So far, ito po ‘yung pinaka-challenging na role na ginawa ko,” dagdag niya.


Puwedeng maging next dramatic actor si Kristof, ayon kay Direk Alvin. At kapag nagkaroon ng proyekto si Direk Alvin, isasama niya si Kristof sa cast. Hindi naman makapaniwala si Kristof sa kanyang narinig.


“Totoo ba ‘yan? Grabe. Sobrang thankful kay Direk Alvin. Nagugulat ako. ‘Di po ako makapaniwala,” sabi niya.


Ang role niya bilang si Stephen sa Talahib ang pinaka-challenging na role na ginawa niya so far. 


“Ako si Stephen, may mental health condition. Pero ‘yung pagkakaroon n’ya ng mental health condition, ‘di mo s’ya mape-predict. Parang malilito ka sa story dahil sa ‘kin. Parang nakakapagod s’yang gawin pero masaya s’yang gawin,” tsika ni Kristof.


Bilib na bilib naman si Kristof sa female lead ng pelikula na si Gillian Vicencio.

“Nu’ng marinig ko na si Gillian ang makakasama ko, na-excite ako. And then, nu’ng nakita ko s’ya sa set, wow! Ganito pala s’ya in person. Maliit ang mukha, at mabait pa,” bulalas ni Kristof.


Tinanong namin kung niligawan ba niya si Gillian sa set ng Talahib.

“May karelasyon s’ya noon. Akala ko, sila, ‘di pala. ‘Di ko sure kung sila, ‘di ba, karelasyon n’ya noon si Yves? Akala ko, sila.


“Sobrang bait n’ya. Sobrang ideal si Gillian na maging girlfriend pero sobrang bata n’ya for me. Tropa lang talaga kami,” diin pa ni Kristof.


Palabas na sa mga SM Cinemas at sa Gateway 2 ang Talahib hanggang September 10, kaalinsabay ng 2024 SMIFF.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page