top of page
Search
BULGAR

Gagawa ng serye… HEART, BALIK-GMA-7 NA, JENNYLYN ‘DI PA RIN PINAPIPIRMA NG KONTRATA

ni Nitz Miralles @Bida  | July 29, 2024



Showbiz News
Photo: Heart Evangelista / Jennylyn Mercado

May mga nag-react sa balitang magre-renew ng kontrata sa GMA Network si Heart Evangelista and this Monday, 10:30 AM, siya muling pipirma ng kontrata sa kanyang home network. 


Nauna pa raw mag-renew ng contract si Heart kesa kay Jennylyn Mercado, na wala pa rin daw balita kung kailan talaga ito magre-renew ng contract.


Speaking of Heart, nabalita ring babalikan na niya ang acting at sa 2025, at may series siyang gagawin. Inuna muna ang contract signing niya bago ang project na kanyang gagawin at baka isabay i-announce sa kanyang contract signing this Monday.


Natutuwa ang mga fans ni Heart that she is back to acting kahit sa TV muna dahil ang last series niyang I Left My Heart in Sorsogon ay nu’ng 2021 pa umere. 


Napapanood na muna siya sa mga TVC ng endorsements niya, kapag rumarampa sa mga Fashion Week, at ngayon, sa project ng Senate Spouses Foundation na siya ang president. 


Ang daming ganap ni Heart Evangelista, mabuti at hindi ito napapagod.


 

Hindi sabay lumipad pa-Canada sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa shooting ng Hello, Love, Again dahil naunang lumipad si Kathryn. Parang isang araw lang nagpahinga ang aktres at sumabak agad sa shooting. Pagdating ni Alden, naka-ilang araw na shooting na si Kathryn.


May napanood kaming video na ipinakilala niya ang sarili sa mga staff and crew ng movie at may foreign crew. Sa kanyang speech, sabi ni Kathryn, “Hello! I’m Kathryn, you can call me Kath. I’m one of the cast - And I think I’m also fun to be with.”


Pinuri si Kathryn dahil hindi sinabing siya ang lead actress ng movie at one of the cast ang pakilala. 


Sinalubong siya ng KathDen (Kathryn at Alden) fans sa airport at maraming Pinoy ang nagpa-picture sa kanya.


Ganu’n din ang nangyari kay Alden, pinagkaguluhan sa NAIA at inihatid siya ng kanyang mga fans. Pagdating sa airport ng Calgary, Canada, marami ang sumalubong at nagpakuha ng picture.


Ang napansin namin, paramihan ng maleta sina Kathryn at Alden. Sabagay, three weeks silang magsu-shooting at si Alden, may shows pa sa US at Canada in between shooting, kaya ganu’n karami ang kanyang dalang maleta. Ang tantiya ng mga fans, more than one month wala sa Pilipinas si Alden.


Sa sobrang hectic ng schedule ni Alden Richards, sa online na lang yata nito nabalitaan na number one sa Netflix ang Pulang Araw at mababasa na lang nito ang good review sa series at sa acting nila nina Rhian Ramos at Barbie Forteza at ng ibang cast.


 

HINDI lang pala si Jolina Magdangal ang gustong biktimahin ng scammer kung saan ginamit ang name nito para makapanghingi ng pera, pati sina Max Collins, Aubrey Miles at Mariel Rodriguez din pala. 


Intriguing ang sinabi ni Max na feeling niya, from her workplace si scammer. Naku, kung sinuman ito, malapit ka nang mabuking.


Si Mariel, may matapang din na pahayag tungkol sa scammer na ginamit ang pangalan at photo niya para makahingi raw ng funds sa mga kaibigan.


“‘Yung mga nang-i-scam using my name and now using @milesaubrey naman getting money from people. This message is for you, using donations and other people’s misfortune for your greed, laziness to work, and all other despicable aspects will be your first class ticket to hell. Ang karma, hindi mo man directly mararamdaman pero babalik at babalik ‘yan sa ‘yo at sa pamilya mo. Itigil mo ‘yan! Itigil mo kagag*han mo! Magtrabaho ka nang marangal,” sey ni Mariel.


Samantala, ipinost ni Senator Robin Padilla ang relief operation na pinangunahan ni Mariel para sa mga biktima ng bagyong si ‘Carina’ sa Marikina. Nagdala siya ng food na ikinatuwa ng mga nakatanggap.


“I am posting this because someone has been scamming people pretending to be me asking for donations kunwari. I DID NOT ASK FOR DONATIONS FROM ANYONE, ito po ay galing sa personal naming bulsa at puso. ‘Wag po kayo magpapaloko sa mga scammers,” paalala ni Mariel.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page