ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 24, 2023
Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang diumano'y "breakup" nina Popstar Royalty Sarah Geronimo at G-Force Creative Director Georcelle Dapat-Sy after 16 yrs. na pagtatrabaho dahil sa sinasabing "artistic differences" nilang dalawa.
Hindi nga natuloy ang nais ni Georcelle na ang grupo niya ang maging back-up dancers ni Sarah sa ginanap na 20th anniversary concert nito sa Araneta Coliseum last May 12.
May ibang baguhang dancers ang nais na isama ni Sarah sa kanyang 20th anniversary concert upang mabigyan ang mga ito ng break at exposure.
Kaya hindi nagkasundo ang dalawang panig dahil ayaw ipagamit ni Georcelle ang dance steps para sa kantang Tala 'pag hindi ang grupong G-Force ang nasa frontline.
Bukod dito, may isyu pang gusto ni Georcelle na siya ang magdirek ng 20th anniv concert ni Sarah na hindi naman umubra.
Dahil dito, ayaw tumigil ng mga Popsters sa pagkondena kay Georcelle, dahil 16 years nga naman ang pinagsamahan nila ni Sarah, pero bakit daw nauwi sa ganu'n ang relasyon ng dalawa?
Napapaisip tuloy ang mga netizens kung talagang itinuring ba ni Georcelle na kaibigan si Sarah sa loob ng mahabang panahon nilang pagsasama o baka naman strictly-business lang ang lahat para sa kanya?!
'Di ba, may tsika pang nagpadala ng demand letter si Georcelle kay Boss Vic del Rosario ng Viva at nagpapabayad ito ng P150 K para sa choreography na gagamitin sa nasabing concert kapag hindi ang grupong G-Force ang kasama ni Sarah?
Agad naman itong inalmahan ni Georcelle, letter lang daw ang kanyang ipinadala sa Viva at hindi demand letter.
Sey ng isang netizen, "Ganu'n na rin 'yun."
Umakyat na raw sa ulo ni Georcelle ang kasikatang tinatamasa niya.
"Feeling artista na si Teacher Georcelle. Lumaki na talaga ang ulo! Tsk, tsk!"
"Sana ay pumunta man lang si Teacher Georcelle sa 20th anniversary concert ni Sarah para magpakita ng suporta," ani Rommel Chika sa nakaraang May 23 edition ng Cristy FerMinute na napapanood sa YouTube channel ng TV5 na One PH.
Sabi nga ni Direk Paolo Valenciano na tumayo bilang co-director ni Sarah sa kanyang 20th anniversary concert, "Sarah G. is Sarah G. at kahit ano pang kanta, kahit anong sayaw, basta't kinanta na ito ng isang sikat na artista, lalo na si Sarah G. ay tatatak na ito sa mga tao."
Marami ang nag-agree sa sinabing ito ni Direk Paolo na kahit ano pang sayaw o choreography, ibang-iba raw 'pag si Sarah na ang gumawa.
Sa katunayan, kahit binago ang choreo noong gabi ng concert, talagang umapaw pa rin sa dami ng tao ang Araneta Coliseum.
In fairness sa mga baguhang back-up dancers ni Sarah, mas bongga ang bagong grupong nakasama niya sa Big Dome at tila tinalbugan pa ang dati niyang back-up dancers na G-Force.
Kaya raw ang buong Big Dome, nagmistulang party house dahil sumasabay sa pagsayaw ng singer ang mga tao dahil sobrang astig ng mga bagong dancers niya.
Sa totoo lang, ang dami talagang magagaling na dancers na hindi lang nabibigyan ng break dahil sa tinatawag na "connections."
Comments