ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 11, 2022
Nitong nakalipas na dalawang linggo ay nakaranas ang Luzon at Visayas grids ng pagnipis o kakulangan ng supply ng kuryente.
Ilang araw din isinailalim ng mga awtoridad sa yellow at red alert status ang ating grid system. Bagama’t wala namang naiulat na brownouts, ito ay cause of concern pa rin.
Nangangahulugang hindi sapat ang supply ng kuryente na napo-produce ng mga power plant upang punuan ang demand ng mga konsyumer. Maaaring humantong sa brownout kung hindi ito maaagapan.
Ayon sa mga kinauukulan, ilang power plants ang nagkaroon ng forced outage o hindi makapag-produce ng kuryente o kaya’y tumatakbo sa limited capacity.
☻☻☻
Hindi na bago sa atin ang pagsasailalim sa mga alert level ang ating grid system, lalo na kung ang sanhi ay ang unscheduled shutdown ng mga power plant.
Ngunit ang matagal na nating tanong ay ano’ng ginagawa ng mga awtoridad upang bigyang-solusyon ang isyu ng manipis o kulang na supply ng kuryente?
Mayroon bang bagong power plant na bubuksan sa mga susunod na taon upang makadaragdag sa supply ng kuryente ng bansa?
At ano’ng timetable nito pagdating sa pagproseso ng mga kinakailangang permit upang makagsimula na ng commercial operations?
☻☻☻
Nauna na nating iminungkahi na bawasan ang red tape sa pagpapatayo at pag-operate ng mga bagong power plant sa bansa.
Taon ang inaabot bago makakuha ng permits para sa construction, taon para sa mismong construction at taon pa rin para makakuha ng permits para sa commercial operations.
Hindi lamang pampalit ito sa mga tumatanda na nating power plants, na nangangailangan na ng mas madalas na maintenance periods.
Ito rin ay pagsabay sa inaasahang pagtaas ng demand ng kuryente, lalo na at unti-unti nang bumabalik ang “normal” na daloy ang ating ekonomiya, lalo na sa manufacturing at commercial sectors.
Ito rin ay paghahanda sa palaging mataas na demand ng kuryente sa ating dry o “summer” season. At dahil sa epekto ng climate change, hindi na lamang ito nararanasan tuwing Marso hanggang Mayo.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments