ni Lolet Abania | February 13, 2022
Binawi na ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc ang pagpapatupad ng COVID-19 testing requirements para sa mga indibidwal na papasok sa lalawigan simula sa Lunes, Pebrero 14.
Ayon kay Manotoc, sa kanyang executive order na inisyu nitong Sabado, ang mga fully vaccinated, asymptomatic residents, turista, at APOR (authorized persons outside of residence) na papasok sa probinsiya ay hindi na kinakailangan ng COVID-19 testing.
Samantala, ang mga unvaccinated, o partially unvaccinated residents, turista at APOR ay dapat na sumailalim sa testing maliban kung makapagbibigay sila ng valid medical clearance.
Nakasaad din sa order na ang mga unvaccinated minors (below 12 -anyos) na papasok sa Ilocos Norte ay papayagan na walang testing subalit dapat na ang kanilang kasama ay fully vaccinated o exempted parents.
Paalala naman ng governor sa mga bibisita sa lalawigan na mag-self monitor para sa anumang sintomas ng sakit kapag nakapasok na sa probnsiya.
“They are required to inform the LGU should they manifest symptoms and they must abide by national COVID-19 protocols,” ani Manotoc.
Comments