ni Jasmin Joy Evangelista | February 22, 2022
Sa pamamagitan ng vaccinated travel lane (VTL) program ng Singapore, papayagan nang bumiyahe ang mga Pinoy na fully vaccinated kontra COVID-19 patungo sa naturang bansa nang hindi na nagka-quarantine doon simula Marso 4.
Kailangan lang kumuha ng flight na pang-VTL at kumpletuhin ang requirements.
Maaari na ring bumiyahe sa Pilipinas ang mga bakunadong taga-Singapore nang hindi nagka-quarantine base sa nasabing programa, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.
"This was arranged by the Department of Foreign Affairs. We are hoping na ibang countries, ganoon na rin, para mutually beneficial na rin for the airlines," ani Puyat.
"At least pagpunta dito, zero quarantine, pagbalik nila, zero quarantine na," aniya pa.
Sa tala ng Department of Tourism, nasa 21,974 ang tourist arrival sa iba-ibang airport sa bansa sa unang 10 araw na nagbukas ang Pilipinas sa mga fully vaccinated na dayuhang turista kung saan 11,900 dito ang mga dayuhang turista habang 10,074 ang balikbayan.
Comments