top of page
Search
BULGAR

Fully vaccinated Pinoy puwede na sa Israel

ni Jasmin Joy Evangelista | November 5, 2021



Pinapayagan nang muling bumiyahe sa Israel ang mga Punoy na fully vaccinated, ayon sa Israel Ministry of Tourism.


Ayon sa abiso ng Israel, simula November 1, maaari nang mag-book ng kanilang flight sa Ben Gurion Airport ang mga Pinoy na nabigyan ng two doses ng Pfizer, Moderna, Astrazeneca, Sinovac, o Sinopharm vaccine, o isang dose ng Johnson & Johnson vaccine.


Ang mga nabakunahan naman ng Sputnik ay mananatili muna sa isolation facility hanggang magkaroon ng resulta sa serological test.


“With leading vaccination rates and endless opportunities for outdoor activities, we are eager to welcome visitors back with open arms--of course, at a safe social distance,” ani Sammy Yahia, director ng Tourism for India and Philippines.


Mga kailangangang dalhin ng turista:


* Vaccine certificate na hindi hihigit sa anim na buwan matapos mabakunahan

* Third dose o booster shot vaccination card o certificate kung higit na sa anim na buwan mula nang nabakunahan

* Declaration form

* PCR test 72 hours bago ang biyahe at arrival sa Israel


Para naman sa mga nagpositibo at gumaling sa COVID-19, kailangan nilang magpakita ng katibayan ng positive Nucleic Acid Amplification Test (NAAT) na 11 araw bago ang kanilang pagpunta, pero hindi hihigit ng 180 araw sa pag-alis nila sa Israel.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page