ni Lolet Abania | June 20, 2022
Inihirit ng isang grupo kay incoming Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na gawing tumulong sa pagsusulong ng salary increase para sa mga guro at tiyaking ang mga classrooms ay handa na sa susunod na school year.
Matatandaan noong 2020 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ama ni VP Sara, ang Salary Standardization Law of 2019, na nagpo-provide ng taas-sahod o wage hikes para sa mga government workers, kabilang na ang mga public school teachers.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary-General Raymond Basilio, “[it was not] merely about increasing but correcting the injustice done to our teachers.”
“We know that there are some limitations with the budget but we're doing this injustice to our teachers for several years already. Recently the Supreme Court upheld that the entry-level pay for nurses is Salary Grade 15 or P37,000,” ani Basilio sa isang interview ngayong Lunes.
“We have the same qualification for our military personnel, their pay has been increased years ago. It’s quite unfair for teachers who have the same qualification and job description have been left out,” dagdag pa niya.
Ayon kay Basilio, hindi rin nagbigay ng assistance ang gobyerno sa mga guro na tinamaan ng COVID-19. Aniya, nanawagan naman ang grupo para sa P3,000 emergency allowance sa mga guro.
“That’s the sad reality. Ni singkong duling po walang naibigay na assistance sa ’tin ang gobyerno. We had hundreds of teachers who died because of COVID-19. Ang dami nagkasakit,” giit ni Basilio. “Ang nangyari po dito nag-pass the hat. Nag-contribute ang teachers, nagtulong-tulong,” saad niya.
Apela pa ni Basilo na dapat ding tiyakin ni VP Sara na handa na ang mga pasilidad at ang mga paaralan ay kayang mag-admit ng lahat ng estudyante para sa incoming school year.
“Dito sa limited face-to-face, I’ve heard... tinatanggihan ng schools ang ibang estudyante na gusto sumali sa limited face-to-face, because of facilities. Walang classroom, walang sapat na bilang ng teachers,” pahayag niya.
Ayon pa kay Basilio, dapat ding bigyan ang mga guro ng mga gadgets gaya ng mga laptops at libreng masters’ degree education. Una nang sinabi ng DepEd na magpapamahagi ang ahensiya ng libu-libo ng laptops sa mga guro.
“Alam ko po maraming teachers ang nag-loan para makabili ng laptop computer. Natapos na po ang 2 years… ‘di pa rin dumadating sa teachers ang mga laptop computers na ito,” giit ni Basilio.
Samantala, bilang tugon ni VP Sara, sinabi nitong maghahanap siya ng paraan upang itaas ang mga sahod ng guro habang pinag-iisipan na niya ang pagpapatupad ng full face-to-face classes sa mga paaralan sa Agosto.
Sa press briefing ngayong Lunes ng umaga, binanggit ni VP Sara na nagbigay na ng instruksyon si President-elect Ferdinand Marcos Jr. na i-review ang pagpapatupad ng K-12 program ng DepEd.
Nang tanungin siya hinggil sa pagsusulong ng F2F classes sa Agosto, ani VP Sara, “We are targeting that, yes.” “We’ll look at how we’ll be able to push that from the other accomplishments [of the department],” pahayag niya nang tanungin naman patungkol sa panawagang itaas ang sahod ng mga guro.
“Actually, the Duterte administration did do something about that,” saad pa ni VP Sara, kung saan aniya, may salary increase na P23,877 mula sa dating P19,077. Ang entry-level teacher o Teacher 1, ay nasasakop sa ilalim ng Salary Grade 11 at makatatanggap ng monthly salary na P25,439.
Comments