ni Angela Fernando @Entertainment News | August 27, 2024
Darating na sa 'Pinas ang "Frozen" concert bilang regalo ng Disney sa kanilang mga tagahanga. Inorganisa ng Film Concerts PH ang "Frozen in Concert," kung saan ibibida nila ang mga paboritong karakter tulad nina Elsa, Anna, Olaf, at iba pa sa big screen.
Hindi naman magpapahuli ang Filharmonika Orchestra na pinangunahan ni Mhaze Lim dahil sila ay magtatanghal ng mga minamahal na awitin mula sa Frozen tulad ng "Let It Go," "For The First Time In Forever," at "In Summer" nang live sa entablado.
Itatampok din sa nasabing concert ang composer na si Christophe Beck. Magaganap ang Frozen in Concert sa Nobyembre 16 at 17 sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati.
Comments