top of page
Search
BULGAR

Frontliners, ikinumpara ni Pangulong Duterte sa mga sundalo

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 9, 2021




Nagbigay-pugay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magigiting na Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa bayan sa kanyang speech ngayong Araw ng Kagitingan, Abril 9.


Inihalintulad niya ang pakikipagdigma ng mga sundalo sa pakikipaglaban ng mga frontliners sa COVID-19 upang malagpasan ang lumalaganap na pandemya.


Aniya, “As we continue to overcome the COVID-19 pandemic, we take a moment to honor the fortitude displayed by our selfless and dedicated frontliners whose unrelenting commitment in this fight reflects the heroism of the warriors of Bataan that continues to inspire in us a greater sense of patriotism and solidarity during these trying times.”


Dagdag pa niya, “The valor of our forebears, which was exhibited during the defense of Bataan almost eight decades ago, has left an indelible mark in our history and shaped our indomitable spirit to rise after every fall.”


Sa ngayon ay isinasailalim pa rin sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong NCR at mga karatig nitong lalawigan dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Batay pa sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 14,119 ang mga pumanaw dahil sa virus kabilang na ang mga frontliners.


“May this awareness resonate among us as we strive to become worthy heirs to the nation that they fought and bled for,” sabi pa ng Pangulo.


Giit naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, “Sa kabila ng ating mga kinakaharap na pagsubok bilang isang bansa, walang pasubali ang kagitingan na ating nasasaksihan mula sa ating mga kababayan na katuwang natin sa paglaban sa kasalukuyang pandemya.”


Inaasahan na sa pagtatapos ng ECQ ay mapipigilan nito ang mabilis na hawahan, kung saan mahigit siyam na libong indibidwal ang nagpopositibo kada araw.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page