top of page
Search
BULGAR

Friends noon, kani-kanya na ngayon… KRIS, VICE AT ANGEL, IN-UNFOLLOW NA NI TONI SA IG

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 12, 2022




Ayaw tantanan si Toni Gonzaga ng mga batikos sa social media. At habang tumatagal, dumarami ang namba-bash sa kanya, ‘di lang mga netizens kundi pati na mga taga-showbiz.


Kaya ‘di rin masisisi si Toni kung biglang nagbawas ng pina-follow sa kanyang Instagram account.


Burado sa list ng following sa IG ni Toni ang mga taga-showbiz including her friends and co-hosts sa Pinoy Big Brother na sina Mariel Rodriguez and Bianca Gonzales.


As of this writing, napansin namin na 22 na lang ang mga pina-follow ni Toni sa Instagram. Pero nu’ng muli naming binalikan ang IG niya to double check, naging 23 na.


Guess n'yo kung sino ‘yung pang-23 sa mga pina-follow ni Toni?


Walang iba kundi ang presidential bet nila na si Bongbong Marcos!


At sa 22, siyempre ay nandu'n ang mister niyang si Direk Paul Soriano, anak na si Seve, mga kapatid at ina ni Direk Paul, Alex Gonzaga and hubby Mike Morada, Mommy Pinty, makeup artists at business partners, gaya ni Winnie Wong na nagkaroon din ng isyu dati na isa raw holder ng Taiwanese passport, pero may negosyo sa 'Pinas.


Naku, marami pa rin 'yan kung tutuusin. Si Angelina Jolie nga, tatlo lang ang pina-follow sa Instagram. At pawang mga international ‘for a good cause’ organizations pa and not an individual.


Yes, we know international star naman si Angelina. But ang point there ay puwede kang mamili kung ilan lang o kahit wala ka pang i-follow sa IG, puwede!


Baka nai-stress na si Toni sa mga celebrities na pumuna sa ginawa niya sa isang rally at pagkatapos ng kanyang “unbothered” post.


Sinikap naming alamin kung sinu-sino pa ang mga celebrities na in-unfollow ni Toni at ‘yun na, nakita namin na ilan sa kanila ay ang mga kaibigang sina Kris Aquino, Angel Locsin at Vice Ganda.


Natuklasan din namin na hindi pala nagpa-follow sa kani-kanilang Instagram account sina Toni at Bea Alonzo na ilang beses niyang nakatrabaho sa ABS-CBN.


Bukod kay Bea, ‘di rin pala pina-follow ni Toni si Angelica Panganiban ever since.

Kunsabagay, mukhang wala nga silang konek. Never nabalita na naging magkaibigan sina Toni at Angelica, ganu'n din si Anne Curtis at si Toni. At hindi na namin kailangang magpaliwanag kung bakit.


Pero may nadiskubre pa kami while searching kung sinu-sino ang mga in-unfollow ni Toni.


Shookt kami na hindi pala pina-follow ng magkaibigang Vice Ganda at Karla Estrada ang isa't isa sa Instagram, hah?


At maging sina Daniel at Kathryn Bernardo ay ‘di pala pina-follow ni Karla.


Well, ganyan talaga kapag may kani-kanya tayong pinaniniwalaan sa buhay. But it doesn’t mean na kailangang magkawatak-watak.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page