ni Nitz Miralles @Bida | July 28, 2024
Pagkatapos sabihin ni Kobe Paras na best of friends lang sila ni Kyline Alcantara, muli silang nakita na magkasama. At hindi lang basta magkasama, may slight PDA o public display of affection ang dalawa dahil holding hands na naman sila.
Makikita sa video na hindi nagbitaw sa pagho-holding hands sina Kyline at Kobe kahit naglalakad sila and this time, nakaharap sila at kumaway pa sa kumukuha ng kanilang video. Unlike nu’ng makita sila sa BGC, Taguig City na magka-holding hands, pero nakatalikod at hindi nakita ang mga mukha.
Kasama nina Kyline at Kobe ang dad ng basketball player na si Benjie Paras at ang brother na si Andre Paras, na kasama naman ang girlfriend nito.
Comment ng mga netizens, meet the father and the brother na si Kyline, kailan naman daw kaya nito mami-meet ang mom ni Kobe na si Jackie Forster at pamilya nito?
Ang pabirong payo kina Kobe Paras at Kyline Alcantara ng mga netizens, ‘wag magsasalita na iba naman ang ikinikilos. Dahil nga nag-deny sila, tapos makikitang magka-holding hands.
Pero, ibigay na natin sa kanila ang drama nila sa buhay at baka hindi pa sila ready to admit kung anuman ang relasyon nila.
Misis ni Chiz, magka-baby na rin daw sana… BUNSO NI MARIAN NA SI SIXTO, PINURI NI HEART
Ang “Napaka-cute” na comment ni Heart Evangelista sa Instagram (IG) post ni Marian Rivera sa anak na si Sixto Dantes na may hawak na nuggets ay ikinatuwa ng mga netizens. Hindi pa yata nabasa ni Marian, kaya hindi pa sinagot ang comment ni Heart.
Mababasa ang mga comments ng mga netizens kay Heart na gumawa na rin siya ng baby at may nagsabi pa na siguradong maganda rin ang baby niya kapag nagkaanak na siya. May comment pa na ipinagpe-pray niya na magka-baby na sina Heart at Sen. Chiz Escudero.
Samantala, endorser si Sixto ng Century Crispy Tuna Nuggets, kaya may hawak siyang nuggets at kasama niya si Marian sa nasabing endorsement. Mukhang effective na endorser si Sixto dahil may mga naengganyong bumili ng nuggets kahit daw hindi na sila bata, ipababaon din nila sa kanilang mga anak at pamangkin pagpasok sa school.
Anyway, nagkita nga sina Marian at Heart sa GMA Gala 2024 at wish ng & mga fans, makita sila na lumabas, mag-date at mag-shopping na sila lang, hindi kasama ang kani-kanilang mga asawa. Tiyak daw na masaya ang tsikahan ng dalawa kapag nangyari ito.
Still on Marian, sa August 2-11 na ang Cinemalaya at kabilang sa entry ang Balota na pinagbibidahan ng aktres.
Well, wish ng mga fans ng aktres na dumami ang manood sa first Cinemalaya film ni Marian. Maganda ang story nito, tungkol sa titser na ibinuwis ang buhay para sa ballot box na hindi mapunta sa masasamang tao.
Comments