top of page
Search
BULGAR

Friend daw ng KOJC founder… SEN. ROBIN, NAPIPISIL GUMANAP NA QUIBOLOY

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 2, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Marami palang producers na nagkakainteres na isapelikula ang makulay na buhay ni Pastor Apollo Quiboloy at open naman daw ang leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) hinggil sa bagay na ito.


Nakatsikahan nga namin ang isa sa mga kaibigan ni Pastor Quiboloy na si Atty. Mark Tolentino, ang Anti-Fake News Task Force National President ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI). 


Kasabay nito ang announcement ng KSMBPI sa pamamagitan ng founder at chairman nitong si Dr. Mike Aragon tungkol sa pagsisimula ng shooting ng kanilang first ever advocacy series na WPS o West Philippine Sea.


Sa tsikahan with Atty. Tolentino ay naitanong nga sa kanya ang tungkol sa pagsasapelikula ng buhay ni Pastor Quiboloy since madalas niya itong nakakausap. Aniya ay kasalukuyan pang pinag-aaralan ng sumukong pastor ang tungkol sa proyekto pati na rin ang mga artistang napipisil na gumanap dito.


Ayon kay Atty. Tolentino, may 10 pangalan daw na ibinigay kay Quiboloy na puwede niyang pagpilian para gumanap sa kanyang biopic.


Kabilang na nga raw diyan ang mga veteran actors na sina Roi Vinzon, Rey “PJ” Abellana at ang malapit na kaibigan ni Quiboloy na si Sen. Robin Padilla.


Samantala, kahapon (October 1) ay nagsimula na ngang gumiling ang camera para sa WPS digital series na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica, AJ Raval, Jeric Raval, Ayanna Misola at magkapatid na Rannie and Lance Raymundo.


Kuwento ni Lance, magsu-shoot daw sila sa Intramuros, Manila at naka-lock-in daw sila for 6 days.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page