ni Angela Fernando - Trainee @News | October 19, 2023
Ibinunyag ni Atty. Cyril Lubaton, legal head ng Philippine College of Criminology (PCCr), na ang frat na Tau Gamma, kung saan sangkot ang apat na estudyante at isang biktima ng hazing na si Ahldryn Bravante, ay hindi kinikilalang organisasyon ng paaralan.
Saad nito, wala umanong alam ang paaralan kung ang panghihikayat ba ay nangyayari sa loob ng campus.
Kinumpirma naman niya na nakikipagtulungan ang paaralan upang makatulong sa imbestigasyon at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Bravante nu’ng Oktubre 16.
Patuloy ang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng PNP.
Kasalukuyan namang humaharap sa kaso ang 16 kumpirmadong estudyante na nakibahagi sa brutal na pananakit kay Bravante na ikinasawi nito.
Comments