top of page
Search
  • BULGAR

Franklin, pambato ni Coach Ayo sa panalo ng Fiberxers

ni Clyde Mariano @Sports | January 27, 2023



Pinatunayan ni Jamaal Franklin hindi nagkamali si coach Aldin Ayo pagkuha sa kanya kapalit ni New Zealander Ethan Rusbach at matagumpay na dinala ang Converge sa pangalawang sunod na panalo laban sa perennial tail-ender Terrafirma, 130-115, at pansamantalang inangkin ang solo lead 2-0 card sa Governors Cup na ginawa sa Philsports sa Pasig City kagabi.

Tumipa ang 31 years Californian NBA veteran naglaro sa Memphis Grizzles ng 42 points, kasama ang pitong tres, 11 rebounds at eight assists sa kanyang debut at binigo ang ambisyon ni Jordan Williams na dalhin sa panalo ang Terrafirma.

Kumulekta si Williams ng 46 points sa kanyang debut. Subalit hindi makakuha ng solidong suporta sa kanyang local teammates.

Sa panalo pinalakas ng Fiberxers ang title campaign sa Governors Cup hawak ng bagong Commissioner’s Cup champion Barangay Ginebra.

Na-outscored ni Williams si Franklin sa first three quarters 30-25. Subalit bigong madala ni Williams ang Terrafirma sa panalo.

Lumamang ang Converge 114-100 at 124-106 sa crucial fourth period at hindi na binitawan ang pamumuno. Hindi impresibo ang performance ni Rusbach at nagpasiya sa Ayo na palitan ang New Zealander at kinuha si Franklin bilang kapalit at pinatunayan ng NBA veteran na kaya niyang dalhin sa panalo ang Converge.

Hindi madali ang panalo at ginamit ng Fiberxers ang buong pwersa at NBA experience ni Franklin bago kunin ang pangalawawang sunod na panalo di tulad sa una nilang laro na maagang tinalo ang North Port, 122-92.

Lumaban at nakipagsabayan ang Car Makers na pinalakas ni dating Ginebra at North Port player Kevin Ferrer katuwang ni dating San Miguel Beer player Alex Cabagnot. “Sana ma-sustain ang laro at magtuloy-tuloy ito sa mga susunod na mga laro,” sabi ni coach Alden Ayo.

Ang talo ay isa namang senyales masibak ang Car Makers maliban kung makarekober at makabwi sa kanilang mga susunod na mga laro.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page