ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 3, 2023
Iniluklok ni Pangulong Marcos si Francisco Tiu Laurel Jr., isang fishing tycoon, bilang Department of Agriculture secretary, na nagdulot sa kanya para bitiwan ang puwesto sa Gabinete na kanyang hawak mula nang maupo sa puwesto noong nakaraang taon.
Inihayag ni Marcos ang pagtanghal kay Laurel sa isang pahayag sa Malacañang Palace ngayong Biyernes, ika-3 ng Nobyembre.
"It is time that we have found somebody who understands very well the problems that agriculture is facing," sinabi ni Marcos sa mga mamamahayag sa Malacañang pagkaraan ng pagtanggap ng tungkulin ni Laurel.
Ayon sa Pangulo, kaniyang inatasan na sa wakas ang isang full-time DA secretary dahil ngayo'y tiwala na siyang natagpuan niya ang isang taong may malalim na pang-unawa sa sektor ng agrikultura, alinsunod sa matagal nang karanasan ni Laurel sa sektor ng pangisda.
Naglaan si Marcos ng mahigit isang taon bago magtalaga ng bagong DA chief.
"And the problems were so important and were so deep that I felt that the authority and the, I suppose moral suasion of a president was necessary for us to be able to figure out, and it really was, agriculture is a much much more complicated thing than most people understand," aniya.
Mula pa noong 1985, presidente na ng Frabelle Fishing Corporation si Laurel at direktor ng Frabelle Corporation mula pa noong 2010. Nagsanay siya sa mga larangan ng refrigeration, net manufacturing, engine overhauling, electronics, hydraulics, food manufacturing, shipbuilding, at ship repair.
Comments