top of page
Search
  • BULGAR

France, kampeon sa FIVB Men's Volleyball Nation's League 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 2, 2024



Sports News

Isang linggo matapos magpasikat sa mga Filipino, itinanghal na kampeon ng 2024 FIVB Men’s Volleyball Nations League (VNL) ang Pransiya. Binigo ng mga Pranses ang isa pang paborito ng mga Pinoy Japan sa apat na set – 25-23, 18-25, 25-23 at 25-23 – kahapon ng madaling araw, oras sa Pilipinas sa Atlas Arena ng Lodz, Poland. 


Best Opposite Spiker si Patry at Best Middle Blocker si Nicolas Le Goff. Ang iba pang pinarangalan ay mga Best Outside Spiker Yuki Ishikawa at Best Libero Tomohiro Yamamoto ng Japan at Tomasz Fornal at Jakub Kochanowski ng Poland na nakibahagi rin bilang Best Outside at Middle. 


Naisalba ng 2023 kampeon na Poland ang pangatlong puwesto sa pagwalis sa numero unong Slovenia – 26-24, 25-16 at 25-17. Bumida sina Wilfredo Leon na may 18, Fornal na may 11 at kapitan Bartosz Kurek na may 10. 


Sa semifinals, inalis ng Pransiya ang Poland sa trono – 22-25, 25-22, 25-23, 20-25 at 18-16. Ginulat ng mga Hapon ang Slovenia – 25-21, 27-25 at 31-29. Ito ang pangalawang VNL para sa mga Pranses matapos ang una noong 2022.  Sunod nilang pupuntiryahin ang pagtanggol ng kanilang gintong medalya sa harap ng kanilang kababayan sa 2024 Paris Olympics ngayong Hulyo 27. 


Nabunot ang Pransiya sa Grupo A kasama ang Slovenia, Canada at Serbia.  Nasa Grupo B ang Poland, Italya, Brazil at Ehipto habang Grupo C ay binubuo ng Japan, Estados Unidos, Argentina at Alemanya. 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page