top of page
Search
BULGAR

Foreigners, bawal sa Japan dahil sa bagong virus

ni Lolet Abania | December 27, 2020




Pansamantalang ipinagbawal ang mga non-resident foreign nationals na makapasok sa Japan kasabay ng paghihigpit ng kanilang mga borders dahil sa isang bago at matinding variant ng coronavirus.


Magsisimula ang pag-ban sa mga nasabing travelers bukas, December 28 hanggang sa January, 2021, ayon sa emailed statement ng gobyerno ng Japan.


Ang mga Japanese citizens at foreign residents naman ay papayagang makapasok subalit kailangang magpakita ng patunay na negatibo sa coronavirus test nang 72 oras bago dumating sa Japan at dapat na mag-quarantine ng dalawang linggo pagdating sa nasabing bansa, ayon pa sa statement.


Kamakalawa, nai-report sa Japan ang unang mga kaso ng isang fast-spreading variant sa mga pasaherong dumating mula sa Britain.


Ayon sa Nippon TV kahapon, ang new variant ay na-detect sa isang lalaki na bumisita sa UK at isang miyembro ng pamilya, kung saan ang unang mga kaso ng infected sa virus ay nadiskubre sa labas ng airport check.


Gayundin, ang new strain ay nakadagdag ng pag-aalala sa karamihan sa posibleng pagtaas ng cases habang ang Tokyo ay nakapagtala ng isa pang record ng pagdami ng kaso ng COVID-19 kahapon.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page