top of page
Search
BULGAR

Foreign tourists patuloy na bumibisita sa Boracay

ni Jasmin Joy Evangelista | February 26, 2022



Patuloy na tumataas ang bilang ng mga turista sa Boracay matapos ang pagluwag ng restrictions at pagpasok ng foreign tourists sa bansa.


Nasa 53,787 tourists ang bumisita sa sikat na island-resort simula nitong Pebrero hanggang nitong Miyerkules, ayon sa datos mula sa municipal tourism office ng Malay sa Aklan kung saan matatagpuan ang Boracay.


Kabilang dito ang 242 foreign tourists na karamihan ay mula sa United States (85), Germany (25) at United Kingdom (21), ayon sa municipal tourism office.


Noong nakaraang linggo, umabot sa 3,000 kada araw ang tourist arrival dito. Ang mga fully COVID-19 vaccinated foreign tourists mula sa visa-free countries ay pinayagan nang makapasok sa bansa mula noong Feb. 10 habang ang mga domestic tourists na fully vaccinated ay puwede ring bumisita sa Boracay at kailangan lang ipakita ang vaccination certificates o cards maliban sa confirmed hotel booking.


Samantala, patuloy ang pagbibigay ng free COVID-19 booster shots ng LGU para sa lahat ng turista sa isla.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page