ni Jasmin Joy Evangelista | December 23, 2021
Bumuhos ang foreign aid para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Kabilang sa mga bansang nagpadala at magpapadala pa ng tulong ay United States, Japan, China, South Korea, Canada, at Ireland.
Ang Washington, sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID), ay magbibigay ng P10 million o $200,000 bilang immediate assistance bilang pagtugon sa mga komunidad na nasalanta ng bagyong Odette na may international name na Super Typhoon Rai.
Ang China naman ay magdo-donate ng emergency cash assistance na $1 million sa gobyerno ng Pilipinas upang matugunan ang mga pangangailangan sa Central Visayas at mga parte ng Mindanao.
Magbibigay naman ng generator, camping tent, sleeping pad, portable jerry can/water container, at tarpaulin/plastic sheet covers ang Japan. Habang ang disaster relief goods, ayon sa embahada nito, ay isi-ship sa bansa sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development.
Nagpaabot naman ng pakikisimpatya si US Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyo.
“The United States is providing Php10 million in immediate support, including food and shelter for communities affected by Typhoon Odette,” Variava said. “We are committed to working alongside our friends and partners to provide emergency supplies and recovery assistance.”
Kamakailan lang ay nauna nang sinabi ng China na nasa 20,000 food packages at P8 milyon na ang naipadala nilang tulong sa Pilipinas.
Samantala, ang South Korean government ay nangako rin na magpapadala ng USD2 million aid para sa recovery efforts, at USD50,000 para sa emergency relief operations.
"We are going to consult with major humanitarian partners. 50K USD will be used as emergency relief action for procuring and delivering rice to those affected by the Typhoon. 2 million USD will aim at supporting recovery efforts to build resilience and restore livelihoods in communities affected by typhoon," pahayag ng Korean Embassy Manila.
Magpapadala rin ang Canada ng financial assistance worth up to $3 million Canadian dollars (approximately P120 million) bilang pantugon sa relief efforts, kung saan ang $500,000 o P20 million ay ibibigay sa Red Cross, ayon kay Canada's International Development Minister Harjit Sajjan.
“Canada will always do our part to help in times of need. After a devastating typhoon, Global Affairs Canada will help our friends in the Philippines with up to $3M in assistance, including $500,000 for the urgent Red Cross response," aniya.
Nakatakda rin itong magbigay ng additional $50,000 mula sa Canadian Embassy's Canada Fund for Local Initiatives para sa relief efforts sa Caraga.
“My heart goes out to the people of the Philippines, whose lives have been forever changed by last week’s super typhoon. Canadians are sending our deepest condolences to those who lost loved ones - and we’ll keep everyone affected in our thoughts during this challenging time,” pahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa Twitter.
Ang Ireland naman ay nag-donate ng €250,000 or approximately P14 million sa UN World Food Programme's emergency response para sa Typhoon Odette.
“Wherever a disaster strikes, Ireland is ready to do our part to help save lives and restore the dignity of those who have been affected. In response to this crisis, I have approved funding of €250,000 to the UN World Food Programme," ayon sa pahayag ni Ireland’s Minister for Overseas Development Aid and Diaspora Colm Brophy T.D.
Sa ngayon ay patuloy ang relief operations para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette, at nag-pledge na rin ang France at Australia, para sa disaster relief operations ng Pilipinas.
Comentarios