top of page
Search
BULGAR

Forecast ni Maestro sa Year of the Water Rabbit 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | January 5, 2023


Sa pagkakataong ito ay talakayin natin ang mga kaganapan at kapalaran ng bawat animal sign ngayong 2023, na ayon sa Chinese Astrology ay Taon ng Kuneho o Rabbit.

Tandaan, ayon sa Western Astrology, ang Taon ng Kuneho ay siya ring taon ng zodiac sign na Pisces. Ibig sabihin, ang Kuneho at Pisces ay halos magkatumbas ang interpretasyon at kahulugan.


Bihira ang nakakaalam, pero ibubulgar ko na ngayon na ang Chinese Astrology o animal signs, sa totoo lang ay pareho rin ng kahulugan sa Western Astrology o Horoscope o zodiac signs.


Nangyaring ganu’n dahil ang 12 animal signs sa Chinese Astrology ay siya ring 12 zodiac signs sa Western Astrology sa ganitong paraan:

  • Rat o Daga - Sagittarius

  • Ox o Baka - Capricorn

  • Tiger o Tigre - Aquarius

  • Rabbit o Kuneho - Pisces

  • Dragon - Aries

  • Snake o Ahas - Taurus

  • Horse o Kabayo - Gemini

  • Sheep o Goat, Tupa o Kambing - Cancer

  • Monkey o Unggoy - Leo

  • Rooster o Tandang - Virgo

  • Dog o Aso - Libra

  • Pig o Baboy - Scorpio

Kaya balik tayo sa Chinese Astrology, kung saan sa pagkakataong ito ay tatalakayin natin ang Year 2023 bilang Taon ng Kuneho o Rabbit.


Ang Kuneho ngayong 2023 ay tinatawag na Yin Water Rabbit dahil ang taong 2023 ay may kaakibat na elementong Yin-Water o Tubig. Ang Yin ay puwersa o energy na kung tawagin ay “negative force”. Siya ang naglalarawan sa “passive principle of the universe, relaxation, fluidity, quietness and contemplation,” Dagdag pa rito, larawan din ng puwersang Yin ang “Female energy o force, the moon, darkness, cold, north side of the hill, shady, cloudy and night time.”


Gayundin, tandaan na bukod sa may nakatalagang elemento sa bawat taon, tulad ng taong 2023 na taon ng Yin-Water, ang bawat animal sign ay may “fixed element” at nagkataon na ang fixed element ng Rabbit ay ang wood o kahoy.


Kaya mapapansin mo na dalawang elemento ang mangingibabaw sa taong ito. Una, ang designated element sa 2023 na water o tubig. Pangalawa, ang fixed element ng Rabbit na wood o kahoy.


Malinaw na kung ang mananaig ngayong 2023 ay ang enerhiyang Yin o Feminine force, ang elementong water o tubig, ang animal sign na Rabbit na taglay ang likas na elementong wood o kahoy at puwede mo ring sabihin na taglay ng taong ito ang puwersa ng zodiac sign na Pisces, na may ruling planet na Neptune at Jupiter.


Samantala, may mga nagtatanong kung ano ang magandang negosyo para sa Taon ng Water Rabbit o Kuneho.


Eksakto ang tugon, ang magandang negosyo ngayong taon ay ang mga bagay na may kaugnayan sa tubig. Dahil ang designated na elemento ngayong 2023, ayon sa Chinese Astrology ay water o tubig na taglay ang enerhiyang Yin, puwede rin ang negosyong may kaugnayan sa contemplation, meditation, relaxation at spirituality.


Dagdag pa rito, puwedeng negosyo sa taong ito ang mga bagay na may kaugnayan sa wood o kahoy dahil ito ang fixed element na taglay ng animal sign na Rabbit.


At kung Western Astrology naman ang pagbabatayan, ayon sa zodiac sign na Pisces, ang mapalad na negosyo ngayong 2023, “Are found in all the arts, especially as dancer, poet, writer, or actor; those where intuition is used, such as medium or psychic, those, where others are cared for, such as nurse, doctor, or priest; and all professions connected with the sea. In addition to that, Pisceans likely to do better in art, literature, poetry, travel, and professions connected with water or imports, and exports.”


Bagay din sa taong ito na naiimpluwensiyahan ng zodiac sign na Pisces ang lahat ng gawain o larangan na may kaugnayan sa tubig at lusaw na bagay, gayundin sa lahat ng uri ng agrikultura o pagtatanim. Ang paglalakbay at pagnenegosyo sa malayo at pakikipagsapalaran sa malalayo at iba’t ibang lugar ay maaari ring isaalang-alang, gayundin ang lahat ng produktong nakukuha sa ilalim ng dagat at lupa; produktong mga halaman o galing sa halaman at tubigan.



Itutuloy


Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page