top of page
Search

FORECAST 2025: MGA UGALING DAPAT BAGUHIN NG UNGGOY

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Feb. 4, 2025





Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Monkey o Unggoy ngayong Wood Snake.

Kung ikaw ay isinilang noong taong 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016 at 2028, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Monkey o Unggoy.


Ang likas na katangian ng mga Unggoy ay ang pagiging masayahin, kadalasan silang makikita sa mataas na punong kahoy at masayang umuuguy-ugoy na tila nang-aasar at nanghaharot sa mga taong dumaraan.


At dahil nga taglay ng Unggoy ang masayahing personalidad,  karamihan sa kanila ay risk taker – ‘yun bang mahilig sa masalimuot na mga bagay at mahilig din sa mga pakikipagsapalaran. Kaya kadalasan makikita mo ang isang Unggoy na marahas at walang ingat, dahil malakas ang kanilang loob, kadalasan silang nakakapag-invest o nakakapagnegosyo kahit na wala naman silang gaanong puhunan hanggang sa tuluyan na nga silang yumaman.


Kahit na nagtatagumpay ang ibang Unggoy sa ganitong uri ng negosyo, may mga pagkakataon din na ang ibang mga Unggoy ay napapahamak – nahuhulog at nalululong sila sa negosyong may kaugnayan sa scam.


Minsan, ‘yung mga pinangako nilang produkto sa mga kliyente nila ay sumasablay, hindi naide-deliver, o kaya naman ay wala naman talagang produkto na maide-deliver – kaya naman, kung minsan ang Unggoy ay malimit masuot sa mga usaping may kaugnayan sa panloloko ng hindi lang maliit kundi minsan ay milyun-milyon at malalaking halaga.




Subalit sa kabilang dako naman nito, tulad ng nasabi na sa itaas – dahil mahusay makipag-usap ang isang Unggoy, kadalasan ang malalaking venture na ito o  pakikipag-deal sa mga dambuhalang transaksyon na walang anumang puhunan ang siya namang ikinayayaman nila.


Bukod sa mahusay magsalita, mabola at masayang kasama, nagagawa ring ng Unggoy na umadapt sa lahat ng uri ng mga tao, sitwasyon at mga pangyayari. 


Dagdag pa rito, taglay din ng isang Unggoy ang kakaibang talino at karamihan sa mga Unggoy, kahit na sabihin pa nating mahirap ang buhay ngayon, lalo na’t sobrang mahal talaga ng mga bilihin, hindi pa rin nawawalan ng trabaho o gawain na napagkakakitaan ang isang Unggoy. 


Du’n ka rin magugulat, dahil ‘yung iba, hirap na hirap na magkapera, pero basic lang para sa Unggoy ang kumita ng malaking halaga.  


Dagdag dito, ang ikinaganda pa sa isang Unggoy ay kayang-kaya nilang pasukin ang isang bagay o isang gawaing hindi nila masyadong alam. Kung saan, madali niya itong natututunan at nakukumbinse niya agad ang mga nanonood sa kanila, gayundin ang mga nakatataas na alam na alam na agad niya ang isang bagay na ngayon pa lang niya ginawa o nahawakan.


Sa mga panahon ng kapalpakan, dahil nga masarap kasama ang isang Unggoy, bagama’t halimbawang may nagawa siyang pagkakamali, sa una ka lang magagalit o magtatampo sa kanya, dahil sa bandang huli, hindi mo rin naman magagawang mawalan ng isang kaibigan o kasama. 


Gayunpaman, alam at batid ninyong lahat na kapag nawala ang isang Unggoy sa inyong pamilya at tropa, ikakalungkot n’yo ito.


Dagdag pa rito, kahit na hindi gaanong sineseryoso ng Unggoy ang kanilang buhay at mga pangyayari, madalas pa rin silang matagpuan na maunlad at nakakatanggap ng karangalan, gayunpaman ang karangalang ito ay hindi pa rin pinapahalagahan ng mga Unggoy, kaya hindi rin ito nananatili ng mahabang panahon sa kanila.


Kung matutunan lamang ng isang Unggoy na magseryoso at magmahal sa mga bagay na nasa sa kanya na ngayon, lalo na ngayong 2025, tiyak na yayaman sila, magkakaroon ng malalaki at dambuhalang kabuhayan hanggang sa matamasa ng Unggoy ang isang masarap, maligaya at matagumpay na pamumuhay.

Itutuloy…


 

“TAONG UNGGOY”, TIYAK ANG SUSUWERTEHIN NGAYONG WOOD SNAKE

Feb. 2, 2025



Nitong nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Kambing o Tupa.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Monkey o Unggoy ngayong Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016 at 2028, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Monkey o Unggoy.


Ang animal sign na Monkey o Unggoy sa Western Astrology ay kumakatawan sa zodiac sign na Leo na may ruling planet na Sun o Araw. 


Ang mapalad na oras ng isang Unggoy ay mula alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon. Kung saan, sa mga panahon ito dapat mong gawin ang iyong mga mahahalagang plano o proyekto. Kung may pupuntahan kang mahalagang bagay o kaya’y pipirmahang mahahalagang papeles o dokumento, mas maganda kung sa nasabing oras mo ito gagawin. 


Bukod sa nasabing oras, mapalad din ang Unggoy sa direksiyong west o kanluran, ganundin sa south-west o timog-kanluran, ibig sabihin, sa mga direksiyong nabanggit ka susuwertehin at makakaranas ng magagandang kapalaran ngayong 2025. 



Samantala, ang mga Unggoy na isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init ay likas na masayahin at maharot, habang ang mga Unggoy na isinilang naman ng tag-ulan ay kilala bilang matamlay at mahiyain.  


Isa rin sa pangunahing katangian ng isang Unggoy ay ang pagiging flexible, na kahit saan mo ilagay ay puwedeng-puwede. Sa aktuwal na senaryo, kung siya ay isang politiko o leader, maaari mo siya mapagbintangan na “dakilang balimbing”, pero oks lang ‘yun! Dahil hindi naman ito masama, lalo na kung pabor naman ito sa kanyang nasasakupan at makikinabang naman siya. Sapagkat, ang biyayang kanyang natatanggap ay hindi lang para sa kanya, kundi para na rin sa kanyang nasasakupan. 


Ngayong Wood Snake, marami siyang kakaharapin na pampamilya at pang-emosyonal na problema, pero sa una lang ito mahirap, dahil flexible ang Unggoy, kayang-kaya niyang harapin ang lahat ng problemang darating sa kanya na para bang isang sisiw at tiyak na mapagtatagumpayan niya ito ngayong 2025.  


Hindi na natin sinama ang problemang may kaugnayan sa pampinansyal, dahil tiyak o sigurado ngayong Wood Snake, dahil secret friend ng Ahas ang Unggoy, tiyak na sisirit pataas ang graph ng pag-unlad at kasaganaan ng Unggoy sa larangan ng salapi at pangmateryal na bagay ngayong 2025.


Itutuloy… 


 

PAGTITINDA NG TINGI-TINGI, DAAN PARA YUMAMAN ANG “TAONG TUPA”

Feb. 1, 2025



Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Goat o Kambing na tinatawag ding Sheep o Tupa sa taong ito ng Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Kambing o Tupa.


Maraming magagandang oportunidad na darating sa isang Kambing o Tupa ngayong taon, pero ang pagkakataong ito ay hindi dapat madaliin o apurahin lalo na sa larangan ng career at negosyo. 


‘Ika nga, “Slowly but surely,” iyan ang kasabihang angkop sa buhay at kapalaran ng mga Tupa, kaya naman, pairalin n’yo ito ngayong 2025.


Sa pag-iingat, maaari nilang makamit ang tunay na tagumpay, sa anumang larangan o gawaing kanilang aatupagin ngayong Wood Snake.


Sa aktuwal na senaryo, kapag may nag-alok sa kanila ng bagong negosyo na may dobleng tubo, mag-invest agad sila, pero kung nakakaramdam naman sila na ito ay isang scam, iwasan na agad nila ito. Maraming iba’t ibang opportunities ang darating sa mga Tupa ngayon – ang iba ay legit, subalit may mga scam din.


Kaya naman dapat nilang tandaan, ang tagumpay na darating sa kanilang buhay na magiging dahilan upang sila’y yumaman ay ang pagtitinda ng retailing o patingi-tingi, dahil kahit na maliit ang tubo, mabilis naman itong mauubos dahil sa pagdami ng order sa bawat araw na lumilipas. 

Ayon nga sa mga sinaunang negosyante, “Maliit man ang tubo, mabilis namang mabenta”.  Tunay nga na sa taong ito, kahit sa maliit na paraan ay maaaring bumilis ang pag-unlad ang kanilang kabuhayan hanggang tuluyan na ngang yumaman ang mga Tupa.

Pagdating naman sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, ngayon na rin darating sa mga Tupa ang masarap na pakikipagrelasyon, lalo na sila ay isang binata o dalaga, dahil ngayon na nila makikilala ang lalaki at babaeng inilaan para sa kanila.  

Subalit tulad ng nakaraang paalala, hindi dapat magmadali ang mga Tupa. Dapat nilang hayaan ang pagkakaibigan na dahan-dahang mauwi sa isang masarap at maligayang pakikipagrelasyon. 

Ganundin sa mga romansang susulpot at mararanasan ng mga Tupa ngayong taon, ‘di dapat sila magmadali, dahil kapag minadali nila ang pag-ibig o pakikipagrelasyon, puwede itong humantong sa kabiguan. 

Katulad lang din ng isang mayabong na halaman na itinanim sa matabang lupa, kapag ito’y diniligan, tiyak na ito ay lalago at mamumunga. Sa pag-aalaga nang maharan at maingat – tunay ngang makakaani ang Tupa ng matamis at masarap na tagumpay.   

Samantala, mapalad naman ang isang Kambing o Tupa sa kulay na green, red at purple habang mananatili naman nilang pampabuwenas ang kumbinasyon ng mga numerong 2, 16, 25, 34, 43, 51, 7, 11, 16, 20, 44, lalo na sa araw ng Linggo, Lunes at Sabado.

Sa taong 2025, kusa namang darating ang mabuting kapalaran ng isang Kambing o Tupa sa lahat ng aspeto ng buhay. Simula sa ika-19 ng Hunyo hanggang ika-25 ng Hulyo at mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-25 ng Nobyembre, lalo na sa petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 1, 10, 19 at 28.

Itutuloy…


 

MGA ANIMAL SIGN NA SWAK SA TUPA, ALAMIN!

Jan. 31, 2025



Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Goat o Kambing, na siya ring tinatawag na Sheep o Tupa ngayong Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027, 2039 at 2051, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Kambing o Tupa.

Ang mga Tupa o Kambing ay sadyang malapit sa kanilang pamilya, kaya naman hirap silang talikuran at bitawan ang attachment na iyon. Isa pa, ang Tupa ay kilala rin bilang mabait at matulungin sa kanilang pamilya. 


Sa aktuwal na senaryo, kung may offer sila sa abroad, tiyak na mahihirapan silang magdesisyon, dahil tiyak na mami-miss agad nila ang kanilang tahanan. 

Kaya naman, kapag nagpasyang mag-abroad ang isang Tupa o Kambing, dapat handa rin sila na malungkot at mangulila hanggang sa matapos ang kanilang kontrata. 

Samantala, kung sakali mang tumira sila sa malayong lugar, tiyak na babalik at babalik pa rin sila sa kanilang mga kapatid at magulang, dahil ganu’n magmahal ang isang Tupa sa kanyang pamilyang kinagisnan. 



Pagdating naman sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, kapag nagmahal ang isang Tupa, itinuturing nila agad itong panghabambuhay. Kaya naman, kung hindi nila makakatuluyan ang kanilang first love, maaari silang magkaroon ng maraming karelasyon. Hanggang sa akalain na ng ibang taon na ang Tupa ay isang “playboy o playgirl”. Pero sa katunayan, in love pa rin talaga sila sa una nilang minahal at ‘yun din ang hinahanap nila sa mga nakakarelasyon nila. 


Kaya sa sandaling matagpuan nila ang isang optimistic, mahilig gumala at happy-go-lucky na Horse o Kabayo, paniguradong magiging maligaya sila.


Gayunpaman, ka-compatible rin ng Tupa ang Rabbit o Kuneho, dahil bago pa sila ipinanganak, sadyang magkaibigan na sila – tunay ngang ang Kuneho at Tupa ay may malalim na ugnayan pagdating sa kanilang puso’t kaluluwa, kung kaya’t kapag nagsama sila, hindi na sila muli pang nagkakahiwalay. 


Ang maharot, ngunit sensitive na Unggoy ay katugma rin ng Tupa – kung saan, nakakaramdam ng init at romansa ang mga Tupa sa Unggoy. Dagdag dito, sa Unggoy rin nila matatagpuan ang kanilang sarili na nagmamahal.

Itutuloy…


 

DOS AND DON'TS NG MGA “TAONG TUPA”, NGAYONG YEAR OF THE SNAKE

Jan. 29, 2025


Nitong nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Kabayo o Horse.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Goat o Kambing, na siya ring tinatawag na Sheep o Tupa ngayong Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027, 2039 at 2051, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Kambing o Tupa.


Ang Tupa o Kambing ang isa sa pinakamasuwerteng animal sign, dahil hindi na nila kailangan pang magpakahirap o magtrabaho ng mabibigat upang mabuhay at kumita ng malaking halaga.Sa totoo lang, bagay na bagay ang isang Tupa sa kasabihan ng mga sinaunang matatanda na, “Ako ang nagtanim, pero iba ang kumain.” Kung saan, kahit hindi sila magtanim, pagdating ng anihan o pintasan ng mga bunga ng pananim, nakapagtatakang sila pa ang isa sa may pinakamaraming bitbit na ani, pero hindi lang sila ang makikinabang, bagkus makikinabang din ang kanilang mga kasama, pamilya at kung minsan ay pati na rin ang kanilang mga kaibigan at kapitbahay.   



Heto pa ang isa sa magandang kapalaran ng isang Tupa o Kambing na wala sa ibang animal sign, kung saan sa ayaw at sa gusto ng Tupa, marami ring sponsor ang tutulong sa kanila. Kadalasan pa nga, panay ang dating ng biyaya sa isang Tupa o Kambing. Kung saan, halos mapuno na ang kanilang kabang-yaman.


Ngunit dahil likas na mabait ang isang Tupa, ang mga biyaya na natatanggap niya ay nauubos din at walang natitira, dahil ito ay ipinamimigay niya rin kung saan-saan at kung kani-kanino. Subalit, kung ‘di sila matututong magsinop, posible ring masimot ang kanilang mga ari-arian. Pero kung matututunan lamang ito ng Tupa ngayong 2025, tiyak na mas maraming biyaya at pagpapala ang ipagkakaloob sa kanila ng langit. Kaya naman, dapat na nilang paghandaan ang pag-iipon at dapat na rin nilang ayusin ang kanilang future, partikular sa panahon ng retirement age o pagtanda. 


Anuman ang mangyari, tiyak na yayaman at magtatagumpay pa rin ang isang Tupa, kahit pa puro lang sila kuyakoy at walang pinoproblema.  


Itutuloy…


 

Kahit pa magwaldas nang magwaldas… “TAONG TUPA”, PATULOY PA RING SUSUWERTEHIN

Jan. 28, 2025



Nitong nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Kabayo o Horse.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Goat o Kambing, na siya ring tinatawag na Sheep o Tupa ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027, 2039 at 2051, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Kambing o Tupa.

Dahil likas na mabait at mabuting tao ang mga Kambing o Tupa, kahit hindi sila gaanong maghirap, susuwertehin pa rin sila. 


Ang magandang kapalarang ito ay kusang ipagkakaloob sa kanila ng langit. Kaya naman, kahit hindi sila magtrabaho, uulanin pa rin sila ng biyaya at pagpapala – kusa nila itong mararamdaman ngayong 2nd quarter ng 2025.


Maging ang mga paupu-upong Tupa ay tiyak na pagkakalooban din ng magagandang kapalaran na bunga ng mga pinaghirapan ng ibang tao.


Tulad ng pag-aahente, kahit hindi sila gaanong maglakad at paupu-upo lang – makakatanggap pa rin sila ng tawag galing sa kanilang buyer. ‘Yun ay dahil ni-refer sila ng kanilang kagrupo o kasamang ahente. Kaya naman, kahit wala silang gawin, may dambuhalang komisyon pa rin silang makukuha – ganyan ang maaaring mangyari sa kapalaran ng isang Tupa, hindi lamang ngayong taon, kundi sa buong taon ng kanyang buhay.



Kung sakali namang isinama sila ng kanilang kaibigan sa pag-a-apply o pag-a-abroad – paniguradong mabilis silang matatanggap at makakapangibang-bansa, habang ‘yung kaibigan na nagsama sa kanila ay hindi matatanggap at maiiwan lamang dito sa ‘Pinas.

Para bang nagsusugal lang ang kapalaran ng isang Tupa o Kambing, dahil matapos matalo ng konting halaga, malaking suwerte naman ang ibabalik sa kanila ng langit. 


Kaya kung isa kang Tupa o Kambing na nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay ngayon, balewalain mo lang ‘yan, mag-relax ka lang, bumuwelo ng bahagya at patuloy mo pa ring pairalin ang pagiging mabait at matulungin. Makikita mo, dambuhalang halaga at suwerte ang makakamit mo ngayon na ikakagulat ng lahat ng iyong mga kalaro at kasama. Sabay-sabay rin nilang masasabi na “Paano nangyari ‘yun? Siya ang nakinabang sa lahat ng pinaghirapan natin!” 


Kaya lang pagkatapos nilang yumaman, makahawak ng limpak-limpak na salapi at magagarang ari-arian, may tendency na ipamigay lang din nila ito.


Kaya naman madalas na matagpuan ang Tupa sa kalagayan na kung tawagin ay “bagsak at bulagsak”, kasi nga hindi nila iningatan ang kanilang kayamanan.

Subalit, ang hindi alam ng mga nakakarami o taong nanonood sa kanila, habang pinamamahagi ng Tupa ang kanilang mga ari-arian, para itong talbos ng kamote, habang tinatalbusan, mas lalo itong lumalago at dumadami. Kaya naman, mas lalo silang nakakatanggap ng suwerte.


Pero kung ikaw ay isang Tupa o Kambing na unti-unti nang yumayaman, dapat ngayon pa lang alam mo na kung kanino mo iiwan ang ilang bahagi ng iyong kayamanan, nang sa gayun ay hindi ito masimot. Sa halip ay mapanatili sa pangangalaga ng mga taong tulad mo rin na may mabuting puso at busilak na kalooban.


Itutuloy…


 

DAPAT GAWIN NG “TAONG TUPA” PARA UMUNLAD NGAYONG 2025

Jan. 28, 2025


Nitong nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Kabayo o Horse.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Goat o Kambing, na siya ring tinatawag na Sheep o Tupa ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027, 2039 at 2051, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Kambing o Tupa.


Bukod sa pagiging tahimik at mahiyain, kilala rin ang Tupa sa pagiging mahina ang loob. Kaya naman, ngayong Green Wood Snake, hindi dapat pairalin ng Tupa ang kanilang mahinang loob at takot. Nangyaring ganu’n, dahil maraming oportunidad ang ihuhulog sa kanilang harapan at siyempre, dapat malakas ang kanilang loob na hablutin ito.



Kung magagawa lamang ng Tupa na maging malakas at sumugod nang sumugod, tiyak na madali nilang mahahablot ang mga ginintuang suwerte na may kaugnayan sa materyal na bagay at career na maghahatid sa kanila sa pag-unlad.


Dagdag dito, dahil sa kabaitan ng Tupa o Kambing na sadya ring maramdamin, tahimik at madaling masaktan. Kapag hindi sila natutong lumaban, ang magagandang kapalaran at oportunidad na sadyang nakalaan sa kanila ay maaaring masayang o mawala lamang at maaaring pang mapunta sa iba – sa katabi, kamag-anak, katrabaho at kaibigan.


Kaya naman, kung ikaw ay may kaibigang Tupa o Kambing na napapansin o nakikita mong lagi siyang nag-aalinlangan at hindi buo ang mga desisyong ginagawa sa kanyang buhay, payuhan mo siya ng, “Maging matapang ka at buuin mo ang iyong loob!”


Kung hindi naman siya susunod sa mga payo at advice mo, oks lang ‘yun! Dahil lahat ng magagandang oportunidad na may kaugnayan sa career, business at pagkakaperahan na tatanggihan ng isang Tupa ay malamang sa iyo mapunta. Ibig sabihin, imbes na ang Tupa ang dapat at talagang nakadisenyong suwertehin ngayong Green Wood Snake, pero dahil napakaarte niya, ‘yung suwerteng dapat sa kanya ay mapapasa sa kanyang mga katabi at kasama.


Ang nakatutuwa naman dito, sa kabila ng nasabing mga kahinaan ng isang Tupa, ang higit naman na maganda sa kanya dahil nga likas na mabait at mahina ang kanilang loob, palagi pa rin silang pagpapalain ng langit.  


Kaya sa ayaw at sa gusto ng isang Tupa, palagi pa rin silang pagkakalooban ng mga hindi inaasahang kapalaran na nagiging dahilan upang bigla na lamang umunlad ang kanilang kabuhayan at bigla na lamang silang yayaman na hindi nila mapani-paniwalaan kung bakit at paano iyon nangyari.


Masasabing parang “magic” ang buhay ng isang Tupa, dahil sa totoo lang, hindi naman talaga nila tinangka o inisip na gawin ang isang bagay na magbibigay sa kanila ng malaking suwerte.


Kaya napapasabi ang iba ng, “Ang gara at napakasuwerte naman ng kapalaran ng mga ‘yan — bigla na lang napo-promote, nakakapag-abroad at yumaman”.


Pero sa totoo lang, kaya nangyayari ang magagandang kapalaran sa isang Tupa kahit ‘di nila ito gaanong pinaghihirapan, dahil ito ang premyo o regalo sa kanila ng langit dahil sa taglay nilang kabaitan, malinis na puso at may busilak na kalooban.

Itutuloy….



 

MGA PALAUTANG, DAPAT IWASAN NG TUPA PARA SURE NA SUWERTEHIN

Jan. 27, 2025



Nitong nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Kabayo o Horse ngayong 2025.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Goat o Kambing, na siya ring tinatawag na Sheep o Tupa ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027, 2039 at 2051, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Kambing o Tupa.


Ang Kambing o Tupa ay may zodiac sign na Cancer sa Western Astrology na nagtataglay rin ng ruling planet na Moon o Buwan. Kaya naman, kilala ang isang Kambing o Tupa sa pagiging mahinahon, tahimik, mabait, matulungin, tapat at may pagkamahiyain.


Samantala, mapalad naman ang Kambing tuwing sasapit ang ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng hapon – kaya dito niya dapat gawin ang mahahalagang pagkilos at transaksyon.


Ang pinakamalapad naman nilang direksyon ay ang timog at timog-kanluran.

Higit na aasenso rin ang buhay ng isang Kambing o Tupa, kung sila ay isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init. Subalit, kung isinilang sila sa tag-ulan, ibig sabihin ay babagal ang kanilang pag-asenso at pag-unlad.  



Bukod sa pagiging mabait at matulungin, kilala rin ang Tupa sa pagiging maawain, kaya kung hindi sila mag-iingat, tiyak na bibiktimahin sila ng mga manloloko, manraraket at utangero’t utangera. 


Gayunman, mas magiging maganda naman ang kapalaran nila pagdating sa aspeto ng pangmateryal at pampinansyal – walang ibang dapat gawin ang isang Tupa ngayong taon, kundi iwasan ang mga taong mahihilig mangutang at mga scammer. Sapagkat tulad ng nasabi na, may babala na kikita sila ng maganda at maraming pera. Kaya lang, pupuwede silang maisahan, kapag hindi sila nag-ingat sa kanilang mga kaibigan at kakilala. 


Dagdag dito, sinasabi ring kapag ang isang Tupa ay naging praktikal, tuso, mautak at mapanuri – kung saan, ang mga taong pagbibigyan nila ng pabor ay ang mga tao ring makakatulong sa kanila. Kung hihigpitan pa rin ng Tupa ang paghawak sa pera – tunay ngang ang kabuhayan at aspetong pampinansyal ng Tupa ay tuluy-tuloy nang lalago hanggang sa tuluyan na silang yumaman.


Ngunit, kung mananatili silang mabait, maawain at mapagbigay, imbes na yumaman at umunlad ang kanilang kabuhayan, mas lalo pa itong bababa nang bababa. At kapag dumating ang panahong hindi na maunlad ang bansa, mas lalo pa silang mababaon sa mga pagkakautang, malulugi ng malaking halaga at magkaroon ng maraming obligasyon na halos hindi na niya kayanin hanggang sa tuluyan na nga silang maghirap ngayong Year of the Snake. 

 

 Itutuloy….


 

MGA KULAY AT NUMERO NA MAGDADALA NG SUWERTE SA “TAONG KABAYO”, ALAMIN!

Jan. 25, 2025



Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Horse o Kabayo ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Horse o Kabayo.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, kung ikaw ay isang dalaga o binata na paulit-ulit nagmamahal, subalit paulit-ulit ding iniiwan at sinasaktan, ngayon na ang tamang panahon higit lalo sa 2nd at 3rd quarter ng 2025 – inaanyayahan ka ng iyong kapalaran na lumabas ng bahay, dahil sa luma at bagong lipunan mo puwedeng makuha ang suwerte at may tsansa ka pang matagpuan ang isang babae o lalaki na sadyang inilaan sa iyo ng kapalaran na noon mo pa hinihintay, na siyang magdadala sa iyo ng pag-unlad sa larangan ng iyong kabuhayan at panghabambuhay na kaligayahan.


Ang nakatutuwa pa rito, sinasabi rin sa iyo ng tadhana na kung sinuman ang makarelasyon mo ngayong Green Wood Snake – walang duda, siya na ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maunlad at masayang pamilya.


Samantala, sa mga may asawa, karelasyon at sa mga nag-aakalang natagpuan na nila ang kanilang “the one”, may mga maliliit na pagsubok at problema pa rin kayong kakaharapin, higit lalo sa aspetong pampinansyal. Nakakatuwa nga lamang sabihin, dahil madali n’yo naman itong mareresolba at masosolusyunan, basta’t ‘wag lang kayong mag-aaway ng pisikalan. 



Dahil iiral din ngayong taon ang planetang Mars, ang maliit na pagtatalo, kung hindi pagpapasensiyahan ay maaaring mauwi sa isang malaki at hindi maawat-awat na galit. Kaya ang pagre-relax at pamamasyal sa nature ay sadyang inirerekomenda ngayong 2025, lalo na sa mga magdyowa, magkasintahan at mag-asawa upang hindi lang ma-recharge ang kanilang enerhiya, bagkus para lalo pang uminit ang kanilang pagmamahalan. 


Maaari n’yong puntahan, ang mga lugar na dati n’yong pinupuntahan, lalo na nung nagsisimula pa lamang lumago ang inyong relasyon upang muling sumariwa ang kilig factor.


Dagdag dito, sinasabi ring sadyang ka-compatible ng Kabayo ang animal sign na mahilig din sa adventure, subalit tahimik lang na Tigre. 

Ganundin ang animal sign na Aso na sadyang ka-compatible ng Kabayo. Kung saan, nililimitahan ng Aso ang pagiging malikot ng kanyang imahinasyon, isipan at pagkilos na inaawat din ng Kabayo, nang sa gayun ay mas marami pa silang maukol na oras at panahon para sa pamilya.

Dahil dito, labis na nasisiyahan ang Kabayo dahil napa-priority niya nang pumirmi sa kanilang romantiko at masayang tahanan, kesa kung saan-saan pa gumagala at namamasyal.

Gayunpaman, mararamdaman din ng Kabayo ang kapayapaan ng puso at kampanteng buhay sa piling ng isang Tupa o Kambing.


Samantala, kapag naman naharap sa malaking problema ang isang Kabayo, kailangan niya ang mapagkakatiwalaang adviser o tagapayo na Dragon. Kaya kapag may sinosolusyunang problema at gagawing napakahirap na proyekto o napakahirap na pagdedesisyon, tugmang-tugma at bagay na bagay ang Kabayo at Dragon.


Samantala ngayong 2025, likas na magiging masuwerte, malakas at magiging mas mapang-akit ang Kabayo mula sa ika-14 ng Mayo hanggang sa ika-23 ng Hunyo at mula sa ika-14 ng Agosto hanggang sa ika-23 ng Oktubre.


Bukod sa red at green, mapalad na kulay din ng Kabayo ang metallic blue o powder blue, gayundin ang ocher yellow, habang mananatili namang suwerte ang Kabayo sa mga numerong 1, 4 at 5.


Bukod sa nasabing numero mapalad din sa Kabayo ang kombinasyon ng 4, 14, 25, 32, 41 at 44, ganundin ang 95, 18, 23, 37, 44 at 54, higit lalo sa araw ng Miyerkules, Biyernes at Linggo.


 Itutuloy…


 

MGA BAGAY NA PAGKAKAPERAHAN, DAPAT UNAHIN NG KABAYO NGAYONG 2025

Jan. 23, 2025



Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Horse o Kabayo ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Horse o Kabayo.


Dagdag dito, sa larangan ng career, negosyo at pagkakaperahan, sinasabing ang isa pang malaking problema ng Kabayo ay hindi niya kayang iwasan ang pagiging multitasking. Pero, ano nga ba ibig sabihin nito? Para itong computer program na nakakagawa ng kung saan-saan at kung anu-ano. Subalit kung tutuusin,  napakaraming bagay naman talaga ang nagagawa ng computer. 


Sa madaling salita, kung ia-apply natin ito sa pangkaraniwang tao, kayang-kaya nitong pagsabay-sabayin ang napakaraming gawain sa iisang sandali o minuto. 


Ayon sa aklat na Chinese Elemental Astrology ni E.A. Crawford and Teresa Kennedy, “Horse is a busy sign, they can answer their phone, type letters and eat lunch at the same time.”


Kaya naman, kayang-kaya nilang makipag-usap sa telepono, habang abalang naglalaro sa laptop, ngumunguya at nagpapa-massage. 



Sa biglang tingin, mapapasabi tayo ng “Ang galing naman!” Pero, kapag inisip mong mabuti, mare-realize mo rin na hindi ito tamang ugali, dahil mas malaki ang tsansa na mawala sila sa concentration, lalo na kung paiiralin nila ang pagmu-multitask.


Sa aktuwal na senaryo, ang nangyayari tuloy sa isang Kabayo, sa dinami-rami niyang project at pinagkakaabalahan, nawawala tuloy siya sa pokus at ‘di niya tuloy napagtutuunan ng pansin ang mga bagay na dapat unahin. Kung kaya’t nasasayang lang ang kanyang oras, enerhiya, resources at panahon sa mga gawaing pinagsasabay-sabay niya sa halip na tapusin muna ang isa o unahin muna ang pinakamahalaga.


Kaya kung isa kang Kabayo, ang dapat mong tandaan para makaani ka ng malaking tagumpay ay i-prioritize mo muna ang lahat ng iyong layunin.


Siyempre, alamin mo rin kung ano ang pinakamahalaga mong dapat unahin ngayong 2025, at ‘yun ay walang iba kundi ang mga bagay na pagkakaperahan, dahil ngayon ang eksaktong panahon upang simulan mo na ang pagpapaunlad ng iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan ka nang yumaman.  


Kaya kapag hindi mo na pinagsabay-sabay ang napakaraming gawain at kapag nabigyan mo na ng panahon ang iyong salapi, walang duda – tulad ng nasabi na, tiyak na magtatagumpay, mabilis na yayaman at habambuhay kang magiging maligaya. 


Itutuloy…


 

DOS AND DON'TS NG MGA “TAONG KABAYO” NGAYONG YEAR OF THE SNAKE

Jan. 21, 2025



Nitong nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Snake o Ahas ngayong 2025.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Horse o Kabayo ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Horse o Kabayo.


Bukod sa pagiging mabilis at mahusay, madali ring nakakaiwas ang mga Kabayo sa problemang dumarating sa kanilang buhay, dahil sa matalas nilang isipan.


Sang-ayon din ang mga Kabayo sa kasabihang, “Ito man ay lilipas din!” Kaya naman kapag napapansin ng Kabayo na may dumarating na mabibigat na problema sa kanila, kahit hindi nila banggitin, kusa itong lumilipas.


Ganu’n kaganda ang kapalaran ng Kabayo lalo na kapag may mga suliraning dumarating sa kanilang buhay. Kahit pa madalas silang busy at maraming ginagawa, lahat ng mga negatibong pangyayaring nagaganap sa kanilang buhay ay talaga namang lumilipas at kusa ring nawawala.





Dahil sa mahusay na pagkukuwento ng mga Kabayo, kayang-kaya nilang pagandahin at pasayahin ang mga manonood at tagapakinig sa kanilang kuwento – gayunman, higit na mas mahusay ang Kabayo sa larangan ng pag-aalok, pagbebenta, pag-uulat at iba pang uri ng negosyo at gawaing may kaugnayan sa komunikasyon, lalo na sa mga high tech na kasangkapan o gadgets na usung-uso ngayon na tiyak namang magpapaunlad sa mga Kabayo.


Ang mga nasabing negosyo o kalakal ang tiyak na magpapaunlad sa kabuhayan ng mga Kabayo hanggang sa tuluyan silang yumaman. Kaya kung isa kang Kabayo, dapat mong iwasan ang maghapong nakaupo o nakatambay. Dahil para sa Kabayo, bahagi na ng buhay nila ang paggagala, paglalakad at pagpunta kung saan-saan, dahil du’n sila higit na nagtatagumpay.


Ang isa pang problema ng mga Kabayo ay ang salapi o materyal na bagay. Kung minsan, napaka-generous o sobra nilang matulungin, lalo na sa pagdating sa mga kaibigan. May mga sitwasyon pa na hindi nila napapansing na dahil sa sobrang pakikipagkaibigan nila, nauubos tuloy agad ang kanilang kabuhayan.


Kung matutunan lamang ng Kabayo na unahin ang kapakanan ng sarili niyang pamilya kesa sa mga kaibigan o sa mga taong nakapaligid sa kanya, ‘di sana ay mas madaling nabubuo ang isang tahanan ng Kabayo na may maunlad na kabuhayan at mayamang pamilya.

 Itutuloy…


 

PROPESYONG SWAK SA MGA “TAONG KABAYO”

Jan. 20, 2025


Nitong nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Snake o Ahas ngayong 2025.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Horse o Kabayo ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026, ikaw ay isang Horse o Kabayo.


Sa career, negosyo o kahit saang propesyon, sinasabing bukod sa malakas ang intuition, ang Kabayo ay mahusay din magsalita, at hindi lang basta magsalita, dahil may kakayahan din siyang mangumbinse ng kanyang kausap.



Kaya bagay na bagay sa Kabayo ang propesyon na may kaugnayan sa pagbebenta, tulad ng pag-aahente at pagmi-middleman. Kung saan, sa mga gawaing ito mas mabilis na uunlad ang kanilang kabuhayan hanggang sa tuluyan silang yumaman.


Ang problema nga lamang sa Kabayo, dahil iniisip nilang mahusay silang mambola, mangumbinse at magsalita, kapag hindi nila napapasang-ayon ang kanilang kausap, mabilis din silang nagtatampo, nayayamot at naiinis. Kumbaga, umiikli rin ang kanilang pasensiya na hindi naman dapat mangyari. Dahil mentras mahaba ang pasensiya ng


Kabayo, mas malamang na mas marami silang makumbinse at kung ang propesyon nga ay may kaugnayan sa paglalako, basta’t hinabaan nila lang ang kanilang pasensiya, mas mabilis at marami silang mabebenta


At dahil nga ang Kabayo ay siya ring Gemini sa Western Astrology na may ruling planet na Mercury, tipikal o likas sa Kabayo ang pagiging mabilis sa lahat ng bagay.


Mapapansin mo rin na mabilis silang magsalita, maglakad, kumain, magsulat, mag-asawa at lumigaya sa anumang bagay o proyekto na kanilang pinagkakaabalahan.


Kaya naman ngayong taon, anumang bagay ang kanilang tutukan – walang duda, mabilis nila itong makukuha.


Kaya ang pagiging kampante at regular na pag-eehersisyo, tulad ng yoga at meditate ang isa sa mga way para makapagpahinga naman ang kanilang isip at katawan sa mga bagay na masyado nilang tinututukan at pinagkakaabalahan.


Sa ganu’ng paraan, nakakapagpahinga at nakakapaglibang pa ang Kabayo na malayo sa dati nilang ginagawa sa buhay at ‘pag na-recharge na ang kanilang enerhiya, kusa na silang susuwertehin.


Ibig sabihin, kailangan din ng Kabayo ang pagre-relax, meditation at pamamasyal upang maiwasan ang napipintong problemang pangkalusugan. Siyempre, hindi lang sa career at aspetong pangpropesyon sila uunlad, bagkus magiging hapi rin ang kanilang pakikipagrelasyon ngayong Green Wood Snake.

Itutuloy…


 

MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAGTATAGUMPAY ANG MGA “TAONG KABAYO”

Jan. 19, 2025


Nitong nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Snake o Ahas.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Horse o Kabayo ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Horse o Kabayo.


Bukod sa pagiging mabilis at listo, kilala rin ang Kabayo bilang malaya o independent.

Gustung-gusto ng Kabayo na wala pumipigil sa kanya. Kapag nagagawa at napupuntahan niya ang mga gusto niyang gawin, tunay ngang sa ganu’ng sitwasyon mas nagiging produktibo at maunlad ang kanyang career at negosyo.


Ang pagiging malaya at independent ng isang Kabayo ay hindi lamang sa pisikal na katawan. Bagkus, ganu’n din siya pagdating sa aspeto ng mentalidad. Kapag malaya ang kaisipan at mentalidad ng isang Kabayo, sumisigla at mas lumalawak ang kanilang imahinasyon.



Ibig sabihin, ‘yung malayang imahinasyon ng Kabayo ay puwedeng-puwede i-convert sa

aspeto ng pagkakaperahan ngayong 2025, upang lalo pang umunlad at sumagana ang kabuhayan ng isang Kabayo.   


Dagdag dito, bukod sa pagiging malaya, pagtatrabaho o anumang gawain, sinasabing ang Kabayo ay isa sa pinakamasipag na animal sign na pinatawad ni Lord Buddha sa kanyang palasyo.


Kung saan, kadalasan pilit niyang tinatapos anumang proyekto na kanyang nasimulan, kahit abutin pa siya ng magdamag at madaling araw. 


Kaya naman, karamihan sa mga Kabayo ay matatagpuang successful, hindi lamang sa career, kundi maging sa negosyo at materyal na bagay.


Bukod sa kasipagan na nakikita sa personalidad ng isang Kabayo, kapansin-pansin din ang pagiging aktibo ng kanilang isipan at husay sa pag-iisip at pagdedesisyon.


Kaya kapag ang Kabayo ay naharap sa mabibigat na suliranin at pagsubok, madali niya lang itong nasosolusyunan sa pamamagitan ng pag-iisip at pagpapatupad ng solusyon.

Ang nakatutuwa pa nito, ‘yung mabilis na pag-iisip, pagpaplano at pagpapatupad ay hindi niya namamalayan na nakukumbinasyunan pala ito ng kanyang intuition o kutob.

Kaya naman, laging tama, perpekto at saktung-sakto ang mga pagdedesisyon at pagkilos na kanyang ginagawa.


Hindi niya alam at namamalayan iyon, kaya sa dakong huli,  nasasabi niya na lang sa kanyang sarili na, “Ang gara, napakasuwerte ko talaga!”


Isang aktuwal na halimbawa nito ay ‘yung mahabang pila para sa ayuda at nagpasya ka pa ring pumila. Nang nasa tapat ka na ng table, bigla namang naubos ang ayuda. At sabay sabing, “Naku! Ubos na po, sir/ma’am. Baka bukas na lang uli!” At nu’ng malapit ka nang umalis, bigla namang dumating si mayor na may bitbit na bagong ayuda na mas maganda kesa sa nauna, at dahil si mayor mismo ang nagbigay, nagulat ka pa dahil may kasama pa itong cash o pera.


Ganu’n kagara at kasuwerte ang mga Kabayo na akala nila’y good timing lang. Pero ang totoo, ‘di pa man siya pumipila o nakita pa lang niya ang mahabang pila, nagpasya na agad ang inner self niya na mas maganda ang matatanggap niya kung pipila siya na.  

Itutuloy….


 

KAPALARAN NG MGA “TAONG KABAYO” NGAYONG YEAR OF THE SNAKE

Jan. 18, 2025


Nitong nakaraang araw ay tinalakay natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Snake o Ahas ngayong 2025.


Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Horse o Kabayo ngayong Green Wood Snake.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Horse o Kabayo. Sinasabing ang Horse o Kabayo ay siya ring zodiac sign na Gemini sa Western Astrology na may ruling planet na Mercury. Si Mercury ay kilala sa pagiging mabilis at God of commerce and communication. Kaya kung ikaw ay isinilang sa Year of the Horse, magiging mabilis din ang takbo ng iyong kapalaran, higit lalo sa career, propesyon, negosyo at iba pang aspeto na may kaugnayan sa pagkakaperahan.



Kaya naman, kung ikaw ay puno ng pagdadalawang isip, takot, pag-aalala at babagal-bagal kang magpasya, maaari kang mapag-iwanan ngayon. Sinasabing higit na mas mabilis tumakbo at listo ang mga Kabayo na isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init kung ikukumpara sa kalmado at ‘di gaanong nagmamadali na kapatid niyang Kabayo na isinilang naman sa panahon ng winter o tag-lamig.


Gayunman, kilala ang Kabayo sa pagiging masayahin, mapagmahal, paglalakwatsa at ayaw pinipigilan sa anumang bagay na kanyang gusto, lalo na pagdating sa pamamasyal.


Kaya naman ngayong 2025, kung isa kang Kabayo – tiyak na marami gala, pamamasyal, at paglalakbay ang itatala sa iyong kapalaran.Kung ang mga paglalakbay na ito ay maiko-convert mo sa hanapbuhay, pangangalakal o pagkakaperahan – walang duda, sa taong ito ng 2025, mabilis na lalago ang kabuhayan mo at tuluy-tuloy na dadami ang savings mo, hanggang sa umunlad ang inyong kabuhayan.


Sa last quarter ng taong 2025 ay maaaring ka ring makahawak ng limpak-limpak na salapi hanggang sa tuluyan kang yumaman. Ibig sabihin, upang matiyak ang iyong pag-asenso sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, ‘wag kang babagal-bagal, bagkus magmadali ka!

Sa ganyang paraan ka lamang uunlad at magtatagumpay.


Ngayong Green Wood Snake mo rin makakamit ang isang napakaligayang buhay na matagal nang ipinagdamot sa iyo ng kapalaran.   

Itutuloy…


 

MGA ANIMAL SIGN, KULAY AT NUMERONG SWAK SA MGA “TAONG AHAS”

Jan. 16, 2025


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Snake.


Ang Snake o Ahas ay silang mga isinilang noong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013 at 2025.


Ang sweet at maasikasong Ahas ay swak sa mga Dragon. Nangyaring ganu’n, dahil ang Snake at Dragon ay kapwa pinagpapala at may magandang kapalaran. Kaya naman, ang relasyon ng Ahas at Dragon ay tiyak na uunlad at yayaman.Bukod sa Dragon, swak din sa Ahas ang Kuneho o Rabbit na may maganda at maunlad na pamumuhay. Katugma at ka-compatible rin ng Ahas ang tahimik at mabait na Tupa o Kambing.


Habang sa triangle of affinity na tinatawag, ang talagang ka-compatible ng isang Snake o Ahas ay ang praktikal, mautak, at matalinong Tandang. Ganundin, uunlad din ang kabuhayan ng Ahas sa piling ng masipag at mahusay gumawa ng pera na Ox o Baka.


Dagdag dito, bagama’t sinasabing ka-compatible ng Snake ang lahat ng mga animal sign, dahil sa pambihira niyang karisma. Kaya naman, puwedeng-puwede niya ring makarelasyon ang Kabayo, Unggoy at Tigre.


Kung saan, bagama’t hindi siya masyadong masaya sa karelasyon niya, aakalain pa rin ng Tigre, Kabayo at Unggoy na masaya ang isang Ahas sa piling nila, pero sa katunayan, pinagtitiisan at pinagtitiyagaan lang sila ng Ahas, dahil ayaw lang talaga ng isang Ahas na makasakit ng damdamin ng iba.


Habang hindi naman magkakaintindihan ang magastos at bulaksak na pakikipagrelasyon ng isang Boar o Baboy sa isang Ahas o Snake, kung sakaling sila’y magkaroon ng isang relasyon, kahit pa may posibilidad na sila’y umunlad at sumagana, magkakaroon pa rin sila ng mga ‘di pagkakaunawaan.



Sa taong ito, tiyak na magiging mapalad ang Ahas sa lahat ng kulay na may shade o hibo ng berde, ganundin sa lahat ng uri ng kulay na brown, lalo na ang mocha brown.


Ang masuwerteng pang-display naman sa Ahas ang Snake plants, mga halamang may kulay pulang bulaklak at dahon. Buwenas din sa kanila ang pang-display na hugis bilog, hugis “S” at dollar sign, ganundin ang hugis no. 8 na nakahiga, upang tuluy-tuloy at lalo pang makamit isang maunlad at masaganang pamumuhay ngayong 2025.


Mapalad naman ang Snake, tuwing sasapit ang ika-9 ng umaga hanggang ika-11 ng umaga, at ang pinakapaborableng direksiyon para sa mga Snake ay ang southeast at northeast, ganundin ang east o silangan.


Ang mapalad namang numero ng Snake sa taong ito ay ang mga numero ng lupa at apoy, 8, 17, 26, 9, 18, 27, ganundin ang numero ng pag-ibig tulad ng, 6, 15, 24, 33 at 42. Magsisilbi namang lucky stone ng Snake ang batong emerald, opal at lahat ng bato na kulay red o pula.


Habang kusa namang iigting ang mabuti nilang kapalaran tuwing sasapit ang spring o tag-sibol, ganundin ang panahon ng summer o tag-araw, higit lalo mula sa ika-18 ng Abril hanggang sa ika-27 ng Mayo, mula sa ika-18 ng Agosto hanggang sa ika-27 Oktubre at mula sa ika-18 ng Disyembre hanggang sa ika-27 ng Enero.

Itutuloy….


 

“TAONG AHAS,” SERYOSO KUNG MAGMAHAL AT ‘DI BET ANG PANANDALIANG RELASYON

Jan. 15, 2025


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal signs ngayong 2025 o Year of the Snake.


Ang Snake o Ahas ay silang mga isinilang noong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013 at 2025.


Bukod sa sex appeal, sinasabi rin na anumang pagsubok ang dumating sa buhay ng isang Ahas, higit lalo sa aspeto ng pakikipagrelasyon at pag-ibig, madali niya lang itong masosolusyonan.


‘Ika nga sa kasabihan, “Walang pagsubok na ipinadala ang tadhana na hindi natin kayang resolbahin.” Kaya bihirang-bihira lang sa mga Ahas ang sumusuko sa mga problema. 

Sa halip, tulad ng nasabi na, kahit ano’ng problema pa ang dumating sa kanilang buhay, ‘di nila ito susukuan at bibitawan. Bagkus, ‘yung mga problema na ‘yun ang magiging daan pa upang mas lalo silang magtagumpay at lumigaya.


Dagdag dito, sinasabi ring tugma sa attitude ng isang Ahas ang kasabihang, “Still waters run deep,” na nangangahulugan na “Kapag tahimik at walang kaalun-alon ang ilog, asahan mo na ito ay malalim” Ibig sabihin, walang nakakaalam at hindi niya rin naman ipapahalata kung paano siya umibig. Subalit, pinipilit pa rin ng isang Ahas na itago ang kanyang totoong damdamin. Kung sakali mang ipahalata niya ang kanyang nararamdaman, asahan mong matagal niya itong pinag-isipang mabuti.



Ganu’n kasi ang naturaleza ng isang Ahas, bagama’t masarap silang magmahal, hindi niya naman binubuhos ang lahat ng kanyang tiwala sa isang lalaki o babae na kanyang iniibig. Kumbaga, nagtitira siya para sa kanyang sarili, dahil hindi niya gustong mabigo sa pag-ibig at natatakot siyang maging talunan. Subalit sa kabila ng pakikipagrelasyon, ito tuloy ang nagiging dahilan ng kanyang kalungkutan. Hindi niya kasi nailalabas ng 100% ang kanyang feelings, kaya hindi niya rin tuloy maramdaman ang pagmamahal ng kanyang kasuyo.


Kaya naman kung sakaling mamahalin ka ng isang Ahas, tiyak na paliligayahin ka niya sa mga paraang alam niya. Sapagkat, naniniwala ang Ahas na ang pinakamasarap pa ring pakikipagkaibigan at pakikipagrelasyon ay ‘yung nagtatagal.


Gayunman, ayaw naman ng mga Ahas sa mga relasyong panandalian, dahil nga sadyang seryoso at malalim sila kung umibig. ‘Yun nga lang ay hindi niya ito magawang iparamdam nang wagas sa kanyang kasuyo.


Pero kahit na ganu’n, kung sakaling ang isang Ahas ay nasuong sa magulong relasyon, dahil nga siya ay mautak at matalino, kayang-kaya niyang ayusin at ilagay sa ayos ang magulong relasyon na kanyang napasukan. Ibig sabihin, kung magkakaroon ng illicit affair ang isang Ahas, tiyak na malulusutan at maayos niya rin ang lahat. 

Itutuloy….


 

SNAKE, TIYAK NA SUSUWERTEHIN SA CAREER AT NEGOSYO

Jan. 14, 2025



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal signs ngayong 2025 o Year of the Snake.


Ang Snake o Ahas ay silang mga isinilang noong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013 at 2025.


Pagdating sa larangan ng career at negosyo, tiyak na uunlad talaga ang buhay ng Ahas at maraming oportunidad ng pagkakaperahan at dagdag na pagkakakitaan ang darating sa kanilang buhay ngayong 2025. 


Kaya lang, kahit na sangkaterba pang magagandang kapalaran ang dumating sa Ahas, hinggil sa salapi o materyal na bagay, kung hindi naman sila matututong magtipid at magsinop ng kabuhayan, hindi rin sila yayaman at uunlad.


Kaya ang pinakamagandang dapat gawin ng Ahas o Snake ngayong 2025, kapag napapansin nilang maraming grasya at mga biyayang dumarating sa kanilang buhay, mas maganda kung sasanayin na nila ang kanilang sarili na magsinop, magtipid, o mag-ipon, nang sa gayun ay mas madaling dumami nang dumami at sumagana pa lalo ang kanilang kabuhayan hanggang unti-unti na silang yumaman ngayong taon. 





Kaya simula sa araw na ito, abangan n’yo na ang mga biyayang darating sa iyo at ‘wag n’yo agad ito gagastusin. Sa halip, utakan n’yo ang inyong sarili na maging matipid at mahigpit sa pera – sa ganyang paraan, paglipas ng ilang pang mga kumpol na taon, masasabi n’yo ring tama si Maestro Honorio Ong, kaya kayo umunlad at yumaman, bilang isang Snake ay dahil ginamit n’yo ang karisma sa pagkakaperahan at nang magkapera kayo, minahal n’yo naman ang bawat salaping nahahawakan n’yo. Kaya heto kayo ngayon, maunlad na ang buhay at napakayaman.


Samantala, ayon sa pag-ibig at pakikipagrelasyon naman, sinasabing ang Ahas ay napakaraming “secret” o lihim na itinatago sa kanilang sarili. 


Bakit kaya mahilig silang magtago ng lihim? Pero sa totoo lang, likas lang silang misteryoso at misteryosa. 


Misteryoso ang kanilang inner self, higit lalo na pagdating sa love, sex at romansa. Nangyaring ganu’n, dahil bukod tangi sila sa 12 animal signs na may kakaibang karisma at pang-akit, lalo na sa ka-opposite sex. 


Ibig sabihin, kung isa kang babae na Ahas, kaya mo rin akitin ang isang lalaki kahit gaano pa siya kasuplado. Subalit, kung isang lalaking Ahas ka naman, kahit hindi mo sila akitin, kusa silang nagkakagusto sa iyo, dahil lutang na lutang ang kakaibang hiwaga ng iyong pagkalalaki at kung minsan pa nga, kahit kapwa mo lalaki o babae ay nabibighani rin sa taglay mong kakaibang inner personality magnetism na napakahirap i-explain o ipaliwanag kung bakit ka nagtataglay nito.


Kaya sa madaling salita, kapag pinatos o pinatulan lahat ng isang Ahas ang mga taong nakakasalamuha nila, walang duda, ang isang Ahas maging lalaki man o babae ay tiyak na makakarami ng relasyon.    


Pinagpala kasi ang mga Snake ng kakaibang kaguwapuhan at kagandahang wala sa ibang animal sign. 


Sa katunayan, hindi naman tama ang salitang “guwapo at kagandahan” bagkus ang saktong salita ay sobrang lakas talaga ng kanilang sex appeal. 

Itutuloy….


 

MGA TRABAHONG MAGPAPAYAMAN SA AHAS NGAYONG 2025

Jan. 13, 2025



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal signs ngayong 2025 o Year of the Snake.


Ang Snake o Ahas ay silang mga isinilang noong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013 at 2025.


Pagdating naman sa larangan ng negosyo o career, tiyak na aangat ang kita at financial aspect ng Snake o Ahas ngayong 2025.


At dahil nga malakas ang kanilang karisma, puwedeng-puwede sa kanila ang mga gawaing may kaugnayan sa pag-aahente at pagbebenta ng mga malaking ari-arian, tulad ng sales representative, stock market or stock trading at iba pang kauri ng gawaing nabanggit. 


Ganundin, angkop din sa kanila ang PR firm, lalo na sa panahong ito na nalalapit na ang period of local and national election, na tiyak na magdadala sa kanila ng limpak-limpak at malalaking halaga ngayong taon.


Sa kabilang banda, sinasabi ring kapag ang isang Ahas ay nagtagumpay sa career o sabihin na nating bahagyang dumami ang kanilang pera, hindi nila maawat ang kanilang sarili na magpakaluho sa buhay, dahil nga kaakibat din ng kapalaran nila ang salitang “extravagance at over spending”. Dahil likas sa kaibuturan ng kanilang puso ang magpasarap sa mga natamo nilang biyaya at tagumpay. 





Ang problema nga lamang na dapat iwasan ng Snake ngayong taon ay ang ugaling magastos, dahil sa pagiging magastos paniguradong mauubos na lahat ng iyong kinita.


Gusto kasi ng isang Ahas ang masasarap, katulad ng masarap sa panlasa, kaya mahilig sila sa masasarap na ulam at masarap na pagkain. Ganundin ang mga bagay na masarap tingnan, kaya mahilig din sila sa magagandang mga pandekorasyon, tulad ng alahas at iba pang burloloy sa katawan.


Sa bandang huli, kapag naluma na ang isang bahay na maganda noon ay nagiging kalat na lang sa bahay, kaya ipamimigay o itatapon na lang nila ito ng walang habas.


Bukod sa masarap na panlasa at masarap tingnan ng mga mata, weakness din ng mga Ahas ang mga musikang masarap pakinggan, lalo na ‘yung mga musika na nakakainlab.


Kaya naman, sinasabing ang isang Ahas ay madaling mainlab, sa mga bagay na pumupukaw sa kanilang puso, kaluluwa at pagnanasa. 


Kaya ang nangyayari minsan, kahit na masyadong nagiging maluho ang kanilang buhay, hindi nila napapansin ‘yun, sapagkat para sa kanila, ang masarap at maganda ay ang tanging bagay na ikaliligaya ng kanilang puso, kaluluwa at siyempre pa ang nagpapasiklot sa kanilang libog o libido.


At dahil gusto nila ang masasarap na bagay, masasabi ring ang isang Ahas ay bukod sa masarap silang magmahal, masarap din silang sexual partner.

Itutuloy…


 

MGA DAPAT GAWIN NG AHAS PARA YUMAMAN NGAYONG 2025

Jan. 12, 2025



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal signs ngayong 2025 o Year of the Snake.


Nitong nakaraang araw ay sinimulan na natin talakayin ang animal sign na Snake o Ahas, na siyang mga isinilang noong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013 at 2025. 


Ayon sa Chinese Elemental Astrology, ang taong 2025 ay taon ng animal sign na Snake na magsisimulang umiral sa saktong petsang January 29, 2025 hanggang February 16, 2026.


Kung saan, noong nakaraang araw ay nabanggit na ang mga pangunahing katangian ng Ahas, tulad ng love, beauty, money, romance, luxury, passion, sex and art.


Dagdag dito, kilala rin ang Ahas sa pagiging tuso, matalino, praktikal at tahimik, gayunman, siya ay sobrang likas na mapang-akit.


Kaya naman, kahit umiwas pa ang Snake o Ahas sa lipunan at kaibigan, hindi pa rin siya makakaiwas, dahil sa ayaw at sa gusto niya, pupuntahan at pupuntahan pa rin siya ng kanyang mga kaibigan upang yayaing mamasyal.





Sa totoo lang, bukod sa mapang-akit at matalino, masaya at masarap ding kasama ang Ahas na pumupulupot kahit kanino at kahit saan. Iyon nga lang, sa sandaling nalibang ang Ahas sa pulos barkada at paglalakwatsa – tiyak na masasayang lamang ang magandang pagkakataon na may kaugnayan sa salapi, career, kabuhayan at investment na ipagkakaloob sa kanya ng langit ngayong 2025.


May babala rin na kapag puro barkada ang inatupad nila, maaari silang makapag-asawa, mabuntis o makabuntis agad.


Kaya ang mabuting gawin ng isang Ahas sa sarili niyang taon ay husayan at galingan pa niya ang pagbalanse ng kanyang oras.


Kumbaga, ‘di niya dapat ubusin ang mahahalagang panahon ngayong taon, lalo na’t wala namang maitutulong ang mga barkada sa pag-asenso ng kanyang buhay. 


Sapagkat tulad ng nasabi na, ang panahon kasing ito ay dapat ma-realize ng Snake na ngayon, ang pinakasuwetong panahon upang lalo pa niyang paunlarin ang kanyang kabuhayan, sa pamamagitan ng pag-iipon upang maranasan na niya ang magkaroon ng maraming salapi, ari-arian at materyal na mga bagay hanggang sa siya’y tuluyang yumaman.


Kaya bukod sa likas na ugaling mapang-akit at lapitin, dapat pairalin ng Ahas sa panahong ito ng kanyang buhay ang pangunahin niyang ugali na maging magaling at matalino sa pagdedesisyon. Kapag umiral ang pagiging matalino at praktikal – walang duda, ang Snake ay tuluy-tuloy na ngang uunlad at aangat hanggang sa maramdaman na rin niya ang dahan-dahan at unti-unting pagyaman.


Itutuloy….

 

MGA PANGIT, GAGANDA NGAYONG YEAR OF THE SNAKE — MAESTRO

Jan. 9, 2025


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Snake.


Ang tatalakayin natin ngayon ay ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs.


Dahil Year of the Green Wood Snake ang taong ito, magsisimula tayo ng ating diskusyon sa animal sign na Snake o Ahas.


Kung ikaw ay isinilang sa taong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013 at 2025 – ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Snake o Ahas na magsisimulang umiral sa saktong petsa ng January 29, 2025 hanggang February 16, 2026.





Kung tatanungin ang Western Astrology, ang Snake at Ahas ay siya ring zodiac sign ng Taurus na may ruling planet na Venus at ang pangunahing katangian ng Venus ay love, beauty, money, romance, luxury, passion, sex and art.


Kaya naman, ang nasabing mga pangunahing katangian ng Ahas ay sadya namang iiral ngayong 2025, lalo na’t ang Snake ay kumakatawan sa beauty at love. Kaya tiyak na marami ang naiinlab ngayong 2025, ganundin ‘yung mga dating pangit na babae ay tiyak na gaganda at mas lalo pa silang dadami, hindi lamang magandang nilalang, kundi magagandang bagay rin ang kusang mauuso, dadagsa at malilikha ngayong 2025.


Ang Snake o Ahas ay kumakatawan din sa luxury at money. Ibig sabihin, pagbungad na pagbungad pa lang ng taong 2025, maraming mga oportunidad na may kaugnayan sa mga bagay na pagkakaperahan ang mabubuksan, iaalok at kusang darating.


Kaya kung ang lahat ng oportunidad ng pagkakaperahan sa taong ito ay susunggaban mo nang mabilis at pagkatapos ay itatabi o itatago mo ang lahat ng perang makakabig mo, makikita at mararamdaman mo – ito ang magdadala sa iyo sa pagyaman.


Subalit, dapat mo pa ring isaalang-alang na bukod sa pera o salapi, ang animal sign na Snake ay kumakatawan din sa luxury. Ibig sabihin, maaaring ‘yung mga perang kikitain mo, kapag hindi mo iningatan ay maaari mong mapambili ng mga luxuries o mga hindi mo naman masyadong kailangan na mga bagay – tulad ng mga high-tech na gadgets, luho sa katawan at masasarap na pagkain na wala namang gaanong sustansya. Ang posibleng mangyayari ay sa halip na ipunin mo ang ipon at pera mo, ilulustay mo ito ngayong 2025. 


Kaya ang posibleng mangyari sa career, kapalaran at magaganda mong oportunidad, imbes na maging daan ito para yumaman ka o para maging financially stable ka ay magiging daan o sanhi pa ito para malugi, mabaon sa utang at magkaroon ka ng maraming mga obligasyon na kakailanganin mong sustentuhan ngayong taon – ‘yun bang kahit wala ka na, mine-maintain mo pa rin ang iyong mga luho hanggang sa magkandalugi-lugi at mabaon ka na sa mga pagkakautang.


Kaya upang magtagumpay at maging maligaya ang buong taon mo, dapat kang mag-ingat sa paglalabas o paggastos ng pera para maging malaki at dambuhalang halaga ito ng salapi. Isa rin itong daan upang mas lalo ka pang lumigaya at umunlad hanggang sa tuluyan kang yumaman na maaari ding magsimula ngayong Green Wood Snake.


Itutuloy…


 

YEAR OF THE SNAKE, MAY DALANG SUWERTE NGAYONG 2025

Jan. 8, 2025



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Snake.


Ang Snake o Ahas ay silang mga isinilang noong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013 at 2025.


Nitong mga nakaraang araw ay tinalakay natin ang mga elementong maghahari ngayong 2025. 


Ang wood o kahoy ay nagpapahiwatig ng spring o tag-sibol, kaya tiyak na sa taong ito ng 2025 – walang duda, itatala rin ang isang masagana at mabungang taon ngayong Green Wood Snake.


Sa kabilang banda, ang fire na elemento ng animal sign na Snake na siyang animal sign na mamamayani sa taong ito ng 2025 ay magdadala rin ng dagdag-tapang at lakas ng loob, sa mga taong pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa.


Kaya nga para sa mga nabigo sa buhay, nasadsad sa kalungkutan at mga problema noong nakaraang taon, umasa kang dahil sa impluwensiya ng dalawang elemento, kapwa may constructive at creative energy, basta tumapang ka lang at kumilos nang kumilos – tiyak ang magaganap, anumang pangarap o proyektong ikikilos at aaksyunan mo ay agad na magkakatotoo at matutupad.


Samantala, sa klima at pagtaya naman ng panahon, sinasabing kung ang wood ay spring o tag-sibol, ang fire naman o apoy ay kumakatawan sa summer o tag-araw.


Kung ang wood ay east o silangan, ang fire naman ay south o timog. At kung ang wood ay green, red naman ang kulay ng fire.





Ibig sabihin, ang binanggit nating data sa itaas ay siyang magiging masuwerteng panahon, direksiyon at kulay sa taong ito ng 2025.


Kaya nga maikokonsidera mo na ang masuwerteng panahon sa taong ito ay ang panahon ng spring at summer.


Habang ang masuwerteng direksiyon ay ang east o silangan at south o timog. Mapalad naman sa taong ito ng 2025, ang kulay na green at red.


Sa Chinese medicine, kinukonsidera na ang wood ay sumasaklaw sa bahagi ng katawan na liver, gallbladder, eyes at tendons. 


Habang ang fire naman ay sumasaklaw naman sa bahagi ng ating katawan na heart, cardiovascular system, small intestine at tongue.


Kung saan, ipinapaliwanag nating itong mabuti upang ang nasabing mga bahagi ng ating katawan ay buong husay natin ingatan ngayong taon upang maiwasan ang malubhang pagkakasakit o hindi napaghandaan at mga biglaang karamdaman.


Dagdag dito, sinasabing ang wood ay nagtataglay rin ng planetang Jupiter, habang ang fire naman ay Mars.


Ibig sabihin, sa sandaling tuluy-tuloy na nag-alab ang iyong pangarap sa buhay, ang pag-aalab na ito ay ang planetang Mars, tulad ng pagiging marahas at masigasig.


Ang lahat ng ambisyong ito ay ipagkakaloob naman sa iyo ng planetang Jupiter na kumakatawan naman sa keywords na expansion, healing, prosperity and good fortune.


Kaya tiyak na sa taong ito ng 2025, taon ng mga elementong wood at fire na under ng mga planetang Jupiter at Mars – mangarap, kumilos at mag-ambisyon ka lang dahil tiyak ang magaganap, ang lahat ng pangarap mo ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit ng suwabeng-suwabe at walang kahirap-hirap.


Itutuloy….


 

PAGSASANIB-PUWERSA NG KAHOY AT APOY, MAGRERESULTA NG PAG-UNLAD

Jan. 7, 2025



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Snake.


Ang Snake o Ahas ay silang mga isinilang noong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013 at 2025.


Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang elementong wood o kahoy na ayon sa Chinese Elemental Astrology ang elementong ito ang iiral at mananaig ngayong 2025.

Ngayon naman, dapat n’yo ring maunawaan na bukod sa wood o kahoy na siyang ruling element ng taong ito, ang Ahas o Snake ay may likas ding elemento na tinataglay.


Ang naturalesang elemento ng Ahas ay tiyak na iiral din na kumbinasyon ng wood o kahoy at ang likas na elemento ng Ahas ay ang Fire o Apoy.





Sa creative or constructive cycle of the five elements, tunay ngang ang wood at fire ay suweto sa isa't isa, dahil ang wood ang siyang pinanggagalingan ng fire.


Kaya naman, ang pag-iral ng elementong wood at fire sa taong ito ay tiyak na magiging produktibo at masagana. 


Taglay din ng dalawang elemento ang harmonious relationship, patungo sa

kasukdulang dulot na constructive at creativeness sa panahong sila’y umiral at kapwa magsama sa taong ito.


Kaya naman, tiyak na sa taong ito, marami pang mga kakaiba at pambihirang mga bagay ang malilikha na ngayon lang natin masasaksihan.


Sinasabing sa taong ito, masasaksihan at mararanasan natin ang mabilis at sunud-sunod na imbensyon sa larangan ng teknolohiya, medisina at sa lahat ng aspetong ng computer.


Ganundin, marami rin tayong matutuklasang bago at kakaiba sa larangan ng internet, mass media, modern medicine, transportation at maging sa space adventure na kasalukuyang tinatahak ng makabagong henerasyon.


Walang duda, ang mga nabanggit na larangan ay tuluy-tuloy at magkakandarapang uunlad nang uunlad at lalago nang lalago. Kaya naman, ang posibleng mangyari hinggil sa mabilis na paglago at pagdami ng mga modern technology ay ang magiging problema ng human technical skills o kasanayan kung paano ito magagamit, paaandarin at mapapakinabangan.    


Subalit, kung makakasabay ang kasanayan ng tao sa high-tech na technology na maiimbento at tuluy-tuloy na matutuklasan, sa taong ito ay tiyak na uunlad at magiging super-high-tech na ang mundo.  


Kaya sa mga nagtatanong kung magiging produktibo raw ba ang ekonomiya sa taong ito ng 2025, tiyak na aangat nang husto ang graph ng pag-unlad sa larangan ng salapi at sa aspeto ng pangmateryal na bagay, higit lalo kung hindi gaanong iiral ang impluwensiya ng ruling planet na Mars na ayon nga Numerology, taglay din ng taong ito ng 2025 ang numerong 9 (ang 2025 ay 20+25=45/ 4+5=9) na nagbabadya ng malawakang digmaan.


Sa matuling salita, kung maiiwasan ang World War III sa taong ito, walang duda, ang napakagandang senyales ng kumbinasyon ng kahoy at apoy ay tiyak namang mapapakibangan nang husto, hindi lamang sa ating bansa. Bagkus ang kasaganaan at pag-unlad din na hatid ng Green Wood Snake na taglay ng elementong wood at fire na tatalab at magkakabisa sa lahat ng panig ng mundo na nagpapahiwatig ng isang produktibo at masaganang mundo ngayong buong taon. 

Itutuloy…


 

MGA NALUGING NEGOSYO, TIYAK NA SUSUWERTEHIN NGAYONG 2025

Jan. 6, 2025



Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang Forecast 2025 at ayon sa Numerology, ang year 2025 ay taon ng numerong 9, nangyaring ganu’n dahil ang 2025 ay 20+25=45/ 4+5=9.


Kaya naman, tinatayang magkakaroon ng significant at favorable na mga pangyayari sa buhay ng mga taong isinilang sa pesang 9, 18 at 27, ganundin silang ka-affinity o ka-compatible ng numerong 9, silang isinilang sa petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24. 


Sa pagkakataong ito, dadako naman tayo sa pag-aanalisa ng Chinese Elemental Astrology at tatalakayin natin ang elementong mangingibabaw sa taong ito ng 2025.


Tandaan, ang dalawang elementong nangingibabaw ngayong taon ay ang mismong elemento ng taong 2025 at elemento ng wood o kahoy. Subalit, bukod sa wood o kahoy, ang hindi alam ng iba, pero ipapaalam ko na rin sa inyo, dapat ding isaalang-alang ang likas na elemento ng Snake o Ahas na siyang iiral na animal sign ngayong 2025 – ang fire o apoy.





Bukod kasi sa elemento ng wood o kahoy, may elemento ring likas ang bawat animal signs at ang elementong likas ng Ahas o Snake ay ang fire o apoy.


Sa Chinese Elemental Astrology, kapag sinabing wood o kahoy ito ay nangangahulugan ng springtime o tag-sibol. Bukod sa tag-sibol, karaniwan ding inilalarawan ang wood bilang isang malaki at malusog na punong kahoy. 


Dagdag dito, tipikal ding larawan ng elementong wood ang kawayan na hindi basta-basta nababali, natutuwad at napuputol. Sa halip ay sumasakay lang siya sa mahina at malakas na ihip ng hangin.


Kaya ang keywords ng elementong wood ay “flexibility and resilience”. Kung saan, anumang hamon ng mga pagsubok at problema ang kaharapin ng bawat indibidwal sa taong ito ng 2025, tiyak na madali niya itong masosolusyunan at kung sakali mang madapa siya sa mga suliranin at problema, tulad ng punong kawayan na sumasakay-sakay lang sa ihip ng hangin – tunay ngang madali rin siyang makakabangon at makaka-recover sa kahit ano’ng uri ng problemang sumunggad sa buong taong ito ng 2025.   


Bukod sa “flexibility and resilience”, taglay din ng elementong wood ang keywords na “growth and renewal”. 


Kaya naman, kung halimbawang may negosyo kang nalugi o maliit lang ang kinita mo noong nakaraang taon, paniguradong sa taong ito ng 2025, unti-unti ka nang makaka-recover sa mga nalugi sa iyong puhunan at hindi ka lang tutubo ng malaki, kundi patuloy pang lalago ang iyong negosyo at pinagkakakitaan.


Kung sadya namang nagpasya ka ng isarado na ang iyong negosyo o magpalit ng produkto o lumipat ng ibang puwesto – tunay ngang ang elementong wood sa taong ito ng 2025 ang magbibigay sa iyo ng paborableng kapalaran upang mag-renew. 


Kaya naman baguhin mo na ang iyong negosyo o puwesto, dahil sa bagong produkto at bagong puwesto, unti-unti kang makaka-recover hanggang sa tuluyan kang yumaman. 


Itutuloy…


 

KAPALARAN NG TAONG NUWEBE NGAYONG YEAR OF THE SNAKE

Jan. 5, 2025



Muli nating ipagpatuloy ang pagtalakay sa Forecast 2025


Ayon sa Numerology, ang taong 2025 ay naiimpluwensiyahan ng numerong 9. Nangyaring ganu’n, dahil ang 2025 ay 20+25=45/ 4+5=9. 


Kaya bukod sa pagiging matapang, kilala rin ito sa pagiging explorer, palaban at maraming gustong gawin sa buhay.


Sa kabilang banda, sinasabing ang numerong 9 ay kumakatawan din sa material accomplishment o material achievement na nangangahulugan ng pagyaman. ‘Yun nga lang, kadalasan ang mga Taong Nuwebe ay medyo magastos din, walang pakundangan sa paglalabas ng pera o salapi. Kaya kung matututunan lamang ng Taong Nuwebe ang pagtitipid at pagsisinop, tiyak na ngayong taon din sila yayaman.





Dagdag dito, ang numerong 9 ay kinakategoryang isa sa mga strong number, dahil ang sinumang isinilang sa petsang 9, 18 at 27 ay tiyak na may strong personality. At dahil taon ngayon ng mga Taong Nuwebe, asahan mong lalo magiging agresibo, active, kung anu-ano ang iisipin nila, tulad ng nasabi na, lalakas ang kanilang libido at enerhiya ngayong 2025. 


Kaya naman, kahit ano pa ang kanilang gawin, tiyak na mapagtatagumpayan nila ito.


Ang problema lang sa mga Taong Nuwebe ay hindi sila nakakapag-concentrate sa iisang larangan. Dahil sobrang dami ng kanilang iniisip at gustong gawin, nawawalan tuloy sila sa concentration, kaya naman wala tuloy silang natatapos at napagtatagumpayan.


Gayunman, kapag nakapagpokus naman ang mga Taong Nuwebe sa iisang larangan, tiyak na liligaya sila at ang kaligayahang ito ang maghahatid sa kanila sa isang mas satisfied at matagumpay na gawain.


Tandaan n’yo rin na ang Taong Nuwebe ay kilala rin sa pagiging ma-ego, makasarili at mayabang. Kung mas paiiralin nila ang ganitong mga pag-uugali, imbes na magtagumpay at yumaman sila, baka mas lalo pa silang maghirap, malubog at mabaon

sa mga problema at pagkakautang.  


Kaya naman, sa taong ito ng 2025, kahit pa taon ito ngayon ng mga Taong Nuwebe, dapat pa rin tayong maging mahinahon, ‘wag masyadong malakas ang loob at mas maganda kung makikinig din tayo sa mga advice ng mga matatalinong kaibigan at mga taong nagmamalasakit sa atin.


Sa ganu’ng paraan, kapag marunong tayong makinig, tiyak ang magaganap, mabilis tayong uunlad hanggang sa tuluyang yumaman ngayong 2025.  


Itutuloy….


 

DOS AND DON'TS NGAYONG YEAR OF THE SNAKE

Jan. 4, 2025



Sa pagpapatuloy ng Forecast 2025, tulad ng natalakay natin kahapon, ang taong 2025 ay siya ring numerong 9, lalo na kapag ito ay gagawing single digit. Nangyaring ganu’n, dahil ang 2025 ay 20+25=45 at ang 4+5=9.


Pagdating naman sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, isaalang-alang din natin ang numerong 9 na may kaakibat na Planetang Mars at kilala ito bilang God of War, ito ay nagpapahayag ng aksyon, pagkilos, pakikihamok at labanan. Kaya ang numerong 9 ay kinakategorya bilang isa sa mga super strong number.


Ibig sabihin sa pandaigdigang kalagayan, maraming malalaki at mabibilis na kaganapan ang magaganap sa aspetong pang-ekonomiya, politika, siyensya at medisina. Ganundin sa larangan ng environment o pisikal na anyo ng daigdig o mundo.


Kaya anumang nakakabiglang kaganapan ang mangyari ngayon, hindi ka dapat magulat o mabigla. Dahil ang mga nakagigilalas at kahanga-hangang pangyayari ay sadya at pangkaraniwan lang na dala-dala o bitbit ng mga taong may numerong 9.


Sa madaling salita, negatibo at positibong sorpresa ng kapalaran ang tiyak na magaganap sa susunod na mga araw at buwan sa buong taong ito ng 2025.


Sa personal mo namang kalagayan, kung ikaw ay isinilang sa petsang 9, 18, at 27, ganundin silang ka-affinity o ka-compatible ng “Taong Nine” o ‘yung mga isinilang sa petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24 – umasa kang ngayon na rin magaganap ang favorable year mo, gayunman kahit pa akalain mong pangit ang mangyayari sa iyo, kung magiging positibo naman ang pagtanggap mo sa mga negatibong kaganapang mangyayari, isang malaking sorpresa ng magandang kapalaran ang nakalaan pa rin sa iyo.


Isang konkretong halimbawa nito ay bigla kayong magkakahiwalay ng dyowa mo, aakalain mong magiging negatibo ang dulot nito sa kapalaran mo, pero sa kabila nito ay magiging positibo rin ang magiging pananaw mo sa buhay, bagkus, ‘yung hiwalayan n’yo pa ang maghahatid sa iyo sa mas maunlad at maligayang pakikipagrelasyon.


Samantala, kahit sa aspetong pampinansyal. Maaaring baon ka sa utang ngayon o ‘di kaya naman ay iniinda mo pa rin ang nakaraang panloloko sa iyo ng isang malapit na kakilala o kaibigan, pero kung magiging positibo lamang ang iyong pakiramdam o pananaw, sa halip na labis na ma-depress, ‘yun pa ang magtutulak sa iyo upang mas lalo pang mag-ingat sa paghawak ng pera hanggang sa umunlad at yumaman ka. 


Ganu’n ang posibleng mangyari sa iyo ngayong 2025. Ang mga kalungkutan at pagtitiis na nararanasan mo ngayon ay isa lang gift wrap o pambalot ng regalo, na akala mo sa simula ay pangit, pero ‘pag tiningnan o pagminulat mo ng iyong mga mata, sobrang gandang kapalaran pala ang inilaan sa iyo ng langit.  


Kaya tandaan mo, anumang senaryo at pangyayari ang dumating sa iyong buhay, hindi ka dapat ma-depress, malungkot o panghinaan ng loob, dahil tulad ng nasabi na – kapag naging positibo lang ang pananaw mo sa buhay, ang lahat ng inaakala mong pangit na pangyayari ay mako-convert sa isang sorpresa at napakagandang kapalaran na regalo sa iyo ng langit sa taong ito ng 2025.   


Itutuloy….    


 

MGA NUMERONG SUSUWERTEHIN NGAYONG YEAR OF THE GREEN WOOD SNAKE

Jan. 3, 2025



Maraming nagtatanong kung ano nga raw ba ang magiging pangunahing kaganapan ngayong 2025, partikular sa nating naririnig at sinasabing, “Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa taong ito, uunlad na kaya ako at isa-isa na bang matutupad ang mga dalangin ko sa aking buhay?” 


At may katanungan din sa akin ang isang beki sa beauty parlor na palagi kong pinapasyalan, “Tatama na ba ‘ko sa lotto ngayong 2025, Maestro?”


Ang mga tanong na ‘yan ay ilan lamang sa marami pang diskusyon hinggil sa Forecast 2025, ang ipaglilingkod natin ngayon ng tuluy-tuloy na rito n’yo lang mababasa, exclusive sa pahayagang pinakapaborito n’yong basahin – ang pahayang BULGAR.  


Siyempre, kung ang Chinese Elemental Astrology ang tatanungin, sinasabing ang taong 2025 ay siya ring taon ng Animal Sign na Snake o Ahas sa elementong Wood o Kahoy.

Actually, alam naman nating lahat na hindi January 1 ang simula ng Chinese New Year kundi sa January 29. Kung saan, sa araw din ito ipinagdiriwang ang Spring Festival sa bansang China.


Kaya ang Year of the Green Wood Snake ay sakto at opisyal na magsisimula pa lamang sa January 29, 2025.   


Ngunit sa ating bansa, kahit na January 29 pa ang simula ng Wood Snake, atat na atat agad tayo sa mga forecast at prediksyon ng ating mga kapalaran, kaya kahit January 1 pa lamang ay talaga namang gustung-gusto na nating malaman kung ano ang ating magiging kapalaran.


Kaya bukod sa Chinese Elemental Astrology, hahaluan na rin natin ito ng Numerology o pag-aanalisa ng mga numero ang inyong forecast ngayong taon.


Sa Numerology, walang duda at tiyak na iiral ang numerong 9, sa kapaligiran, buhay at karanasan ng isang tao. Alam kong napapaisip ka kung saan ko nakuha ang numerong 9, hindi ba? Kapag ginawang single digit ang 2025, o ‘di kaya’y i-add mo para mas lumutang ang single number, ganito ang kompyutasyon, 2025 ay 20+25=45/ at ang 45 ay 4+5=9.


Kapag nakakakita ka ng numerong 9, dalawang bagay ang pumapasok sa isip mo. Una, ang palasak, tipikal o palaging nilalaro sa playing card ng mga manunugal, walang iba kundi ang lucky 9. Kaya tiyak na maraming mga suwerte at magagandang pangyayari ang posibleng maganap sa taong ito ng 2025.


Samantala, ‘yung mga taong malas o silang minalas noong nakaraang taong 2024 dahil sa numerong 9 ay tiyak na susuwertehin na ngayong taon. 


Ngunit hindi rin mapasusubalian na ang numerong 9 ay kumakatawan din sa “completeness” o “katapusan” ng bawat bilang.


Nangyaring ganu’n, dahil ang 10 na susunod sa 9 ay mapapansing pag-uulit lang ng 1.


Kaya ang 9 ang huling bilang. Kumbaga, ang totoo bilang ay 1 to 9 lamang. Muli nating isa-isahin ang bilang o numbers, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 at 9. Dahil ang susunod sa 9 ay 10, at tulad nang nasabi na, kapag ginawa mong single digit ang 10, 1 pa rin ang kalalabasan, 1+0=1. Gayundin ang 11, kapag ginawa mo itong single number ay 1+1=2, ulit lang ng 1 at 2.


Kaya dalawa lang ang ibig sabihin ng 9 kapag nagbibilang, ito ay katapusang bilang o last number. Ibig sabihin, kumpleto na at sa medyo malalim na paliwanag ay “kaganapan sa lahat ng bagay”, nangangahulugang titigil na ang lahat at pagkatapos ay ang muling magsisimula.


Ang 9 sa Numerology ay may kaakibat ding planeta – Planetang Mars, sa Roman-Greek mythology na siya rin “God of War” o ang “Diyos ng Digmaan”. Kaya mapapansin mo na sa taong ito, imbes na matigil ay lalo pang lalala ang mga labanan, digmaan at giyera sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


Samantala, kung ikaw naman ay isinilang sa petsang 9, 18 at 27, tiyak na ang taong ito ang magiging significant at favorable year mo. Kung saan, maraming magagara, biglaan, malalaki at mga hindi inaasahang pangyayari ang magaganap sa iyong kapalaran.


Kaya hindi ka dapat magmadali at magpadalus-dalos sa pagdedesisyon dahil ang numerong 9 ay kaakibat ng salitang “strong number”, kaya kapag nagmadali at nagpadalus-dalos ka, dahil “strong number din ang birth date mong 9, 18 at 27”- maaaring sa kapahamakan lang mauwi ang taong 2025.


Pero kung suwabeng-suwabe mo lang gagawin ang anumang plano o pangarap mo sa buhay, tulad ng paisa-isang patak ng ulan, dahan-dahan, isa-isa, walang kahirap-hirap at suwabeng-suwabe mo ring makakamit at ipagkakaloob sa iyo ng langit ang lahat ng mga pinapangarap at inaambisyon mo sa buhay sa taong ito ng 2025.


Itutuloy….

Recent Posts

See All

1 Comment


kevag57265
Jan 18

When planning a birthday party in Los Angeles, consider adding a unique twist with a Los Angeles birthday party magician. These talented performers can captivate guests of all ages with incredible tricks, creating an unforgettable experience. Whether you're hosting a children's party or a more sophisticated event, a magician can tailor their performance to suit the occasion. Their interactive and engaging acts will keep everyone entertained, making your celebration truly special. So, if you're looking for something extraordinary, hiring a Los Angeles birthday party magician will ensure your event is filled with magic and wonder.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page