ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 23, 2023
Nagpatupad na ng force evacuations ang Los Angeles bilang paghahanda sa pagdaan ng tropical storm Hilary.
Ang nasabing bagyo ay unang nag-landfall sa Baja California sa Mexico na mayroong taglay na lakas na 65 miles per hour.
Ayon kay Los Angeles Mayor Karen Bass, may lugar silang inilaan para sa mga homeless.
Nagbabala naman ang National Weather Service sa San Diego na mayroong dalang malawakang pagbaha ang nasabing bagyo.
Maraming mga flights na rin ang nakansela sa bahagi ng San Diego.
Comments