top of page
Search
  • BULGAR

Flower na lang ang takip sa boobs nang rumampa… HEART, PINATITIGIL NA NI SEN. CHIZ, PINAUUWI NA NG 'PINAS

ni Beth Gelena @Bulgary| July 1, 2024



Showbiz News

May posted video clips si Heart Evangelista kung saan nag-comment ang mister niyang si Senate President Chiz Escudero na umuwi na siya ng 'Pinas. 


Ang caption ni Heart sa post niya: “We twirl in crimson elegance.”


Makikita sa video na tila ang suot lang ni Heart ay tatlong gold flowers na ang dalawang bulaklak ay nakatakip sa magkabila niyang boobs at ang isa naman ay sa bandang leeg at kitang-kita ang kaseksihan ng aktres. 


Inirampa niya ito sa Paris Couture Week kamakailan. 

Unang nagkomento ang mister niyang senador, “Ang tagal mo na r’yan darling, ha? Tapos, may pasabog ka pang ganyan? Umuwi ka na! Dali! Hahahaha!”


Tawang-tawa si Heart na sinagot ang hubby, “@chizescudero Whahahahahaha! Wait!”


Maging ang iba niyang friends na celebrity ay nagkomento sa pasabog na suot ni Heart.


Sey ni Anne Curtis, “Love this piece!”


Sumagot si Heart, “@annecurtis Share na tayo nila Solenn (Heussaff). Hehehe.”


Komento naman ni Bea Alonzo, “Grabe s’ya (with fire emojis).”


“We must do this together sister. Gagawin ko ang lahat pumayag ka lang. I love you,” pakli naman ng Kapuso actress. 


Sey ni Solenn, “Uwi ko na for you?!”


Sagot naman ni Iya Villania, “Ikaw lang talaga.”


Hindi naman napigilan ni Kelsey Merritt ang sabihing, “Gandaaaa.”


'And'yan din sina Mariel Padilla, Carla Abellana, Sunshine Garcia, atbp. na hangang-hanga sa kanyang pasabog na pagrampa. 


Sey naman ni Heart sa mga nagbigay ng magagandang komento, “To all, I love you.


Thank you for appreciating my passion for fashion, seeing what should truly shine."


 

Sa Instagram ni Yassi Pressman ay may ibinahagi siyang larawan kung saan tinuturuan siyang bumaril. 


Ang caption: “Para saan kaya ito. Let's go @actor_jisoo.”


Tatlong fire emojis ang isinagot ng Korean actor. 


Leading lady ni Ruru Madrid si Yassi sa Black Rider at ngayon, makakasama na rin nila si Kim Ji Soo. 


Based sa post ni Yassi na girlfriend ni Gov. Luigi Villafuerte, si Kim ay isang sikat na aktor sa South Korea.


Ang dami namang netizens ang nag-comment sa post ng TV host-actress.


“Wow bagay, may chemistry sila.” 


“Eto na ba ‘yung sinasabi ni Elias (Ruru) na ibaling mo na lang sa iba? Ayan na, may dumating na oppa o namchin.”


“S’ya pala ‘yung sinabi mo po sa interview. OMG (oh, my God), kahit ako po, kikiligin nang sobra.”


Komento naman ng isang netizen, “Dayuhang gipit, sa Pilipino kumakapit.”


“Mas bagay kesa kay Gov. Luigi.”

Payag kaya ang BF ni Yassi? 


 

NAWINDANG ang mga viewers sa episode ng Batang Quiapo last Monday, June 26.

Imagine, si Mercedes Cabral, walang galang na pinalagan ang dating executive ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos, kaya ayun, nag-viral ang episode. 


Nalaman ni Charo (as Tindeng) na ibinahay na ni Rigor (John Estrada) si Lena (Mercedes) kaya sinugod ito ni Tindeng. 


Naabutan niyang sa dating kuwarto niya nakahiga si Lena, kaya hinila niya ito at sinabunutan saka pinagsasampal. 


Hindi nagpatinag si Lena dahil isa siyang pulis, tinutukan niya ng baril si Tindeng. Balisong naman ang ipinangsangga ni Tindeng kay Lena. 


Si Camille (Yukii Takahashi) na witness sa pagsasabong nina Lena at Tindeng, biglang sumakit ang tiyan. 


Akala ng mga netizens ay manganganak na si Camille, hindi pa rin pala. Siya ang nagtanggol kay Tindeng na parehong ikinagalit nina Rigor at anak niyang si David (McCoy de Leon). 


Parang may lapse yata at hindi pinag-isipan ang binitawang salita ni David kay Camille.

Aniya, “Hoy Camille, ‘wag ka nang nakikialam dahil wala ka namang alam. Disgrasyada ka lang kaya nandito ka sa bahay.”


Hindi ba alam ni David na siya ang nakabuntis kay Camille kaya niya inuwi sa kanilang bahay? 


Komento nga ng netizen, “Sino ba ang nakadisgrasya kay Camille, ‘di ba si David?”

Any explanation mula sa BQ team? 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page