ni Mary Gutierrez Almirañez | April 28, 2021
Nagkasundo ang Metro Manila mayors na ipatupad ang ‘flexible MECQ' simula sa Mayo dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, ayon sa panayam kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ngayong araw, Abril 28.
Aniya, “Ang napagkasunduan ng mga alkalde ay parang flexible MECQ. Ang tawag lang nito, MECQ with additional business openings.”
Sa ilalim ng nabanggit na quarantine classifications, inirerekomenda nilang luwagan din ang ipinatutupad na unified curfew simula alas-10 nang gabi hanggang alas-4 nang madaling-araw.
Nilinaw naman niyang susundin pa rin nila ang ilalabas na guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH) at National Economic and Development Authority (NEDA).
Comentarios