by Angela Fernando @News | July 28, 2024
Nagpahayag ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Linggo na nakatakda itong kumuha ng mga sample ng isda sa mga lugar na apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Terra Nova sa Bataan upang matukoy kung kinakailangan magdeklara ng fishing ban.
Kinumpirma ni Nazario Briguera, tagapagsalita ng BFAR, na maaapektuhan ang kabuhayan ng libu-libong mangingisda kung kanilang pansamantalang ipagbabawal ang pangingisda dahil sa oil spill.
“Doon sa pangingisda, we are yet to coordinate with the local government units sa pagdedeklara ng fishing ban. Sa ngayon kasi, we still have to gather, consolidate all the relevant information. Kami, magsasagawa pa kami ng sampling sa mga isda. Ang DENR, nagsa-sampling na rin ng tubig," saad ni Briguera.
Samantala, maaaring maapektuhan ng oil spill ang Bulacan, Cavite, at Pampanga City.
Commentaires