ni Mai Ancheta | May 25, 2023
Nais ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mapanatili ang fishing ban sa anim na bayan sa Oriental Mindoro dahil sa patuloy na presensiya ng langis, grasa at nakalalasong kemikal sa karagatan mula sa epekto ng oil spill ng MT Princess Empress.
Batay sa inilabas na bulletin update ng BFAR, inirekomenda ng ahensya na magpatuloy ang ban sa pangingisda sa mga bayan ng Calapan, Pola, Bansud, Gloria at Pinamalayan dahil sa peligro ng kontaminasyon.
Lumitaw sa water sampling test at fish samples na nakitaan pa rin ng langis, grasa at polycyclic aroma hydrocarbons (PHA) ang mga ito mula sa anim na bayan.
Pasado naman sa sampling test ang mga bayan ng Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Roxas, Baco, Puerto Galera at San Teodoro at maaari nang makapangisda ang mga mamamayan.
ความคิดเห็น