top of page
Search
BULGAR

First time, super proud… SHAINA, JUDGE SA NEW YORK ASIAN FILM FESTIVALVINA, PROUD NA FIRST HONOR ANG ANAK KAY CEDRIC LEE

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 10, 2024



Showbiz News

Super excited si Shaina Magdayao para sa New York Asian Film Festival dahil first time nga niyang maging jury member.


Sa kanyang Instagram post ay sinabi niyang papunta na raw siya sa NYAFF at bukod sa first time niyang maging jury, ito rin ang unang pagdalo niya sa nasabing international filmfest.       


“Aaaaaand so it’s out, wearing a juror’s hat… for the first time!


“I’m heading to New York for @NewYorkAsianFilmFestival (airplane emoji).”


“This will be my first time attending NYAFF and serving as part of a film jury,” aniya sa kanyang post.


“I must admit that I’m a little anxious but definitely very excited to learn more about Global Cinema and filmmakers (white heart and film emoji),” patuloy niya.


Aniya pa, excited na siya na mag-review ng mga pelikula gayundin sa mga deliberations.


“Despite our busy jury schedule, I’m looking forward to our daily film screenings and the jury’s discussions and deliberations since I know I’ll be learning a lot from the Asian filmmakers who will also be attending,” aniya.


Pinasalamatan niya ang kanyang mga mentors na si Direk Lav Diaz at ang kanyang producer na siyang nagdala sa kanya sa international cinema.


“I owe a debt of gratitude to my mentors in the film industry, Lav Diaz my Director and


Bianca Balbuena-Liew my Producer, for introducing me to international cinema and elevating my respect for our craft and this profession,” aniya.


“Truly humbled and honored to represent our country at this point in my life and career. Salamat, NYAFF for inviting me….. and the Philippines. Wherever He takes me and however I can serve Him best, I guess,” sey pa niya.

 

Natapos na palang i-shoot ng mag-asawang Dennis Trillo and Jennylyn Mercado ang reunion film nilang Everything About My Wife.


Kuwento ni Dennis sa panayam ng GMA, ang ganda raw ng experience niya working again with his wife dahil nu'ng huling nakatrabaho niya ito ay hindi pa sila mag-asawa.


“Masayang-masaya ako na natapos na namin 'yung pelikula na ‘yun at nag-schedule na lang kami ng play date para roon. Maganda ‘yung naging experience ko dahil first time ko ulit siyang nakatrabaho. Last time kong nakatrabaho si Jen, My Faithful Husband pa yata, so ilang years ago na?” sey ni Dennis.


Aminado siyang during the filming ay may mga nadiskubre pa rin siya kay Jen kahit na nga ba araw-araw ay kasama na niya ito sa bahay.


“Nagugulat pa rin ako sa mga bagong nadi-discover sa kanya at nagugulat ako na malaman at ma-discover ulit kung gaano ba talaga siya kaseryoso sa trabaho niya and gaano siya kasaya katrabaho dahil iba rin 'yung energy na ibinibigay niya sa mga projects na ginagawa niya. Kaya masarap katrabaho 'yung ganu'n na alam mong pareho kayong pinapaganda 'yung isang proyekto,” sabi ng aktor.


Nang tanungin kung nag-aaway din ba sila sa set, ayon kay Dennis ay masaya naman silang umuuwi nang sabay parati.


“Kailangan lang, lagi s’yang maging masaya, ‘di ba, para 'wag kayong mag-aaway sa set. Kailangan, open ka sa pagiging collaborative sa kanya, at sa lahat ng mga tao sa paligid. Ayun lang naman, sabay-sabay kaming umuuwi, masaya,” pahayag ni Dennis.


 

VINA, PROUD NA FIRST HONOR ANG ANAK KAY CEDRIC LEE 



Vina


PROUD na proud si Vina Morales sa kanyang unica hija na si Ceana dahil first honor na naman daw sa klase.


Ipinost ng aktres-singer ang magandang balita sa kanyang Instagram account kasama ang larawan ng First Honor certificate ni Ceana na ipinadala sa kanya ng school nito.


“Waking up to an email from school with a great news that my baby girl @ceanaml is one of the first honors again (crying emoji and heart emojis). I am a very proud mommy (crying emoji) and your dad is also proud of you,” caption ni Vina.


Mensahe niya sa beloved daughter, “I love you very much anak. Can’t wait to go home (red heart emoji). Animo (celebrate emoji).”


As we all know, si Ceana ang nag-iisang anak ni Vina sa dati niyang karelasyong si Cedric Lee. Matagal na silang hiwalay at sa isang interview ay sinabi nga ng aktres-singer na in good terms naman sila at maayos ang kanilang co-parenting setup.

Ceana celebrated her 15th birthday last April.





0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page