ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 1, 2024
Present si Alden Richards sa birthday ni Kathryn Bernardo last March 26 na ginanap sa isang yate sa Palawan. First time na um-attend sa birthday ni Kathryn ang actor.
Sa isang video ay makikitang kinantahan ni Alden ang actress at ka-duet niya si Kakai Bautista sa kantang Bakit Ngayon Ka Lang?.
After kumanta ni Alden ay nag-dialogue ito ng…"Kath, first time ito. Hindi ko 'to ginagawa. Hahahaha!"
Matatandaang nagkapareha sina Kath at Alden sa box office film na Hello, Love, Goodbye years back, kung saan sa Hong Kong sila nag-shoot na umabot ng mga tatlong buwan.
Du’n nagsimula ang closeness nila at nagkaroon sila ng fandom na KathDen.
Pero, pagdating nila ng Manila ay separate ways na sila dahil magkaiba ang kanilang networks. Besides, boyfriend pa ni Kathryn si Daniel Padilla.
Nito na lang uli nagkaroon ng chance na mag-bonding ang dalawa dahil hiwalay na ang KathNiel.
Isa si Alden sa mga sumuporta sa pinagdaanan ni Kathryn nang maghiwalay sila ni Daniel last November 30, 2023.
Dahil sa pagsasama nilang muli sa birthday ni Kath, may mga kinilig at gustong magtambal uli sila, habang may ilan namang nambara pa kay Alden at nilait ang boses niya nang kantahan si Kathryn.
"Bagay sila. Lucrative partnership, so why not?"
"Ano'ng first, eh, nag-5X platinum pa nga 'yung album niya nu'ng kalakasan ng AlDub."
"Iba naman kasi ang work-related singing performance sa personal/private harana sa birthday ng isang kaibigan. Masyado kang gigil,"pagtatanggol ng isa kay Alden.
"May kinantahan na 'yan dati na pulitikong babae... birthday... duet pa nga sila ng How Deep is Your Love. Not work-related 'yun, hahahaha! 'Kaloka nu'ng una, sabi rarely uma-attend ng birthday parties, eh, present nga sa mga birthdays ni Barbie at ni Bea Binene 'yan."
Puna naman ng isa, "Sa ‘kin naman, ironic na G na G siya as singer and performer, pero even people who can't sing can tell na sintunado siya at walang natural na bagsak sa pagkanta."
"Kapit na kapit talaga siya kay Kathryn. Kita mo ru'n sa party na 'di siya maka-belong with the other guests."
"Famous actor, businessman, producer, famous gamer, philanthropist (he works free for MOWELFUND and an active advocate of PAWS) and a lot more under his belt. So, ano nga ulit 'yung kapit na kapit? "
Puna ng isa pa, "Off-key na si A pero bakit nakakakilig? Hahaha! Hiya siya kay Kathryn, eh."
"Iba talaga ang chemistry nila. Genius ang Star Cinema to see that because before watching HLG (Hello, Love, Goodbye), I was doubtful…"
Heto pa ang ilang komento ng mga netizens… "Bakit mas kinikilig pa 'ko sa kanila kahit 'di sila duet. Ayyiiii! Sana sila pala talaga pinagtagpo. Kath deserves a good man after all she went through."
"Mas lalo ngang nakakakilig na sintunado na siya, pinipilit pa niya for Kath. Ang cuuuuute!!"
"Kilig!!! Literal na HARANA! Nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa KABA."
Ayun na!
Comments