top of page
Search

First time magsasama-sama… PAMILYA NI AGA, MAY SITCOM SA TV5

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 29, 2024



Tinanggap na nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang offer ng TV5 para sa isang sitcom. Partner dito ng TV5 ang VIVA Entertainment kung saan nakakontrata ang pamilya ni Aga.


Kasama nina Aga at Charlene sa gagawing sitcom ang dalawa nilang anak na sina Atasha at Andres. Wala pang detalyeng ibinibigay si Aga tungkol sa sitcom pero in the bag na raw ito at selyado na ang kanilang kasunduan.


Gustung-gusto ni Aga ang concept ng kanilang sitcom sa TV5 at first time na makakasama niya ang kanyang pamilya sa isang show. 


Hindi na sila mahihirapan pang gampanan ang kani-kanilang role dahil real-life family naman sila. Tiyak na aabangan ng mga viewers ang bagong sitcom na ito ng Muhlach Family. 


Hindi rin maninibago si Charlene Gonzales sa kanyang pagbabalik sa TV5. Dati na siyang may show dito. At si Atasha, kasama rin ngayon sa noontime show na Eat… Bulaga!. Magiging komportable na si Atasha sa sitcom na gagawin. 


Si Andres na lang ang kailangang mag-adjust dahil hindi pa siya gaanong exposed sa buhay-showbiz.


Well, marami ang interesadong malaman kung magkano ang talent fee na ibinigay ng TV5 sa pamilya ni Aga para sa gagawing  sitcom. For sure, with Aga & Charlene, milyones pa rin ang kanilang presyo.

 

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page