top of page
Search
BULGAR

First-time jobseeker, libre ang medical certificate, NBI at police clearance

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 14, 2023


Dear Chief Acosta,

 

Isa akong first-time jobseeker at umaasa na mamasukan bilang isang caregiver. Nais ko sanang malaman kung anu-ano ang mga dokumento na maaaring hanapin sa akin ng aking magiging employer kung saka-sakali, bago kami magpirmahan ng kontrata. Salamat sa inyong magiging tugon. - Lala

 

Dear Lala,

 

Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 6 ng Republic Act No. 11965, o mas kilala sa tawag na “Caregivers’ Welfare Act”, na nagsasaad na:

 

“Section 6. Pre-employment Requirements – Prior to the execution of the employment contract, the employer may require the following:

a.              National Certificate issued by TESDA;

b.              Caregivers training certificate issued by the TESDA or its accredited school or training institutions, if applicable;

c.              Medical certificate or health certificate issued by competent authorities;

d.              National Bureau of Investigation (NBI) clearance or police clearance, and

e.              Barangay clearance.

 

Caregivers who are first-time jobseekers may obtain a copy of medical certificate or health certificate, and/or NBI or police clearance, free of charge, from concerned government offices pursuant to Republic Act No. 11261 or the “First Time Jobseekers Assistance Act.”

 

Ayon sa nasabing probisyon ng batas, bago magawa at pumasok sa isang employment contract, maaaring hingin ng employer ang isang National Certificate at Caregivers Training Certificate na ipinagkaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), medical o health certificate magmula sa isang competent authority, NBI o police clearance, at barangay clearance.  

 

Sa iyong nabanggit na sitwasyon, ang mga naturang dokumento ang iilan lamang sa mga maaaring hingin sa iyo ng iyong magiging employer bago kayo magpirmahan ng isang employment contract. Dahil iyong nabanggit na ikaw ay first-time jobseeker, nais naming ipaalam sa iyo na maaari kang kumuha ng iyong medical o health certificate at NBI o police clearance nang libre o walang bayad.  

 

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

 

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page