top of page
Search

First time ginawa… ALDEN AT JULIA, SHOCKED SA HALIKAN NILA

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | September 13, 2023



Hindi pa man napapanood, feel na ng mga fans nina Alden Richards at Julia Montes na mapanakit ang pelikula nilang Five Break-Ups and a Romance dahil sa short scene drop at linyahan nina Justine (Julia) at Lance (Alden).


Idagdag pa ang tagline na “Nagmahal. Nasaktan,” at ang sagot ni Direk Irene Villamor na, “I cannot promise,” sa tanong ng fan kung puwede bang hindi siya masaktan ‘pag pinanood ang movie.


Looking forward na ang mga fans at willing silang masaktan mapanood lang ang pelikula at mapanood nang buo ang confrontation scene nina Lance at Justine kung saan nahuli ni Justine na galing sa “kangkangan” si Lance. Nai-imagine na namin ang reaction ng mga moviegoers sa loob ng sinehan.


Isa pa sa mga inaabangan ay ang passionate kissing scene nina Alden at Julia na sabi ng dalawa, first day shooting ‘yung kinunan. ‘Yung hindi pa man nakakapag-adjust ang dalawa sa isa’t isa, passionate kissing scene agad ang kinunan. Nagulat man ang dalawa, mahusay nilang nagampanan ito.


Ang comment nga ng co-producer ng movie na si Erickson Raymundo, “I can confidently say this is Alden and Julia’s best performance so far.”


Ganu’n din ang comment ng mga friends nina Alden at Julia gaya ni Melissa Ricks at pat nina Joross Gamboa at Direk Nuel Naval na excited na ring manood.


Sa October pa ang showing ng movie at nagsisimula na ang promo nina Alden at Julia.


May intimate conversation sila kahapon online sa website ng GMA Network, pero sa September 16, 4 PM, physical silang magpo-promote sa Market Market kasama sina Direk Irene, Gil Cuerva, Ian Pangilinan, Kakki Teodoro, Carmela Viray, Charm Aranton, Aaron Gonzales, Edwin Serrano, at Carlitos Siguion-Reyna.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page