ni Nitz Miralles @Bida | December 15, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_ad66f373cf2f4635a3f22b7dd649269e~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_ad66f373cf2f4635a3f22b7dd649269e~mv2.jpg)
Two good news ang nagpasaya sa KathNiel fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya kahit papaano, nakabawas sa lungkot nila.
Isa rito ay ang report ni MJ Felipe na nagsama ang dalawa sa Christmas Special ng ABS-CBN na ginawa sa Smart Araneta Coliseum.
Kahit magkalayo ang dalawa habang nagdu-duet, masaya na rin ang KathNiel fans dahil pareho silang nakangiti. May photo pa nga na magkaharap ang dalawa at ang ganda pa nga ng ngiti ni Kath habang nakaharap kay Daniel.
First public appearance ‘yun nina Kathryn at Daniel at comment ng netizens, nagpaka-professional si Kath at obvious kung sino ang nakapag-move on na sa dalawa.
“Kathryn looks so free, pun intended,” comment ng isa pang netizen.
Ang isa pang good news na narinig ng KathNiel fans ay ang paglilinaw ng mom ni Kathryn na si Min Bernardo na “Hindi siya aalis ng Kapamilya Network.”
Dahil ito sa mga balitang aalis ng ABS-CBN ang aktres at lilipat sa ibang istasyon.
Comments