top of page
Search
BULGAR

First Lady, hiningan ng suporta… PIA, IPINABOBOYKOT DAHIL KAY LIZA MARCOS

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 27, 2024





Pati hindi fans ni Pia Wurtzbach, umalma sa suggestion ng isa nitong basher na i-cancel ang Miss Universe 2015. 


Ang kasalanan nito ay dahil hiningi ang suporta ni First Lady (FL) Liza Araneta-Marcos para maging successful ang Love Gala 2024 na gaganapin sa December 3, sa Marquis Events Place BGC.


Sa tanong ng mga netizens sa nag-suggest na i-cancel si Pia kung bakit pati ang worthy-cause nito ay idadamay sa kanyang hatred, ang sagot ba naman, puwede naman daw siyang humingi ng suporta kay Sen. Risa Hontiveros o iba pang politician na hindi naka-align sa gobyerno.


Lumalabas na hindi lang galit kay Pia ang nagtulak para siya ipa-cancel, galit din ang taong ‘yun sa FL. 


Epic fail lang ang suggestion niya dahil last time we checked, tuloy ang Love Gala at hindi rin na-cancel si Pia.


During the event, ipapa-auction din ni Pia ang ilang memorabilia niya sa Miss Universe gaya ng sash at blue gown na suot when she was announced as the winner of the 2015 Miss Universe title. 


Pati pala pagpapa-auction nito of some of her memorabilia, pinuna rin.

Speaking of Pia, magkasama sila ng asawang si Jeremy Jauncey sa Thailand para sa Tatler Best of Asia 100 event. Muling pinansin ang pagiging gorgeous couple ng mag-asawa at kung gaano sila kabagay sa lahat ng aspeto.


 

Nakabalik na ng bansa sina Kathryn Bernardo at Alden Richards mula sa successful trip nila sa Los Angeles, California. Nag-segue sila sa Canada para sa Meet-and Greet sa mga kababayan natin na nanood at sumuporta sa Hello, Love Again (HLA).


Sa December, lilipad naman sila pa-Dubai para pa rin sa Meet-and-Greet sa mga Pinoy doon na sumusuporta rin sa HLA


Marami pang requests ang mga Pinoy na sa bansang kinaroroonan naman nila pumunta ang KathDen, na kung pagbibigyan, wala nang gagawin sina Kathryn at Alden kundi i-meet ang mga fans.


Well, wala pa palang update kung magkano na ang nadagdag sa box-office gross ng HLA na siguradong malaki na ang kinita. Ang gross noong November 23 ang last update, November 27 na ngayon, at tiyak, nagbago na ang figures.


Samantala, sa November 30 na pala ang anniversary ng breakup nina Kathryn at Daniel Padilla at sabi ng mga fans ni Kathryn, kung last November hanggang December ay umiiyak at malungkot si Kathryn, this month, puro good news ang dala sa kanya. Wala raw rason para malungkot pa ang aktres dahil sa billion box-office gross ng HLA.


More projects and more endorsements ang hatid sa kanya ng success ng HLA at bonus na lang kung magkaka-love life na siya. Tanggap ng mga fans ni Kathryn Bernardo kahit sino ang mamahalin niya, pero wish ng KathDen fans, sana si Alden Richards na ‘yun.

                                                                       

 

Na-stroke, habang nasa ospital… 

IGAN ARNOLD, UMAMING GAME NANG MAMATAY





Kaya pala parang measured ang paglakad ni Arnold Clavio dahil hindi pa rin siya fully healed after his mild stroke. Kailangan daw hintayin pa niya ang command ng kanyang isip na humakbang siya bago pa humakbang at saka pa lang siya lalakad. Medyo mabagal pa rin siyang maglakad at magpapatuloy ang ganito niyang kondisyon hanggang hindi pa siya magaling na magaling.


Nang makausap ng press sa mediacon ng Unang Hirit (UH) na magse-celebrate ng 25 years mula December 2 to 6, ibinalita nitong tuloy ang therapy niya. Ayaw na rin niyang mag-isip ng kung anu-ano pa.


“Less stress na rin ako ngayon, hindi na ako nag-iisip ng kung anu-ano. No hatred na, I’m living my life one day at a time. Noong nasa hospital ako, give-up na ako, ready na ako to go. Nag-post pa nga ako sa Instagram (IG) ng ‘Death is beautiful,’ pero may iba Siyang plano, heto pa rin ako. It’s a big blessing ang second life ko,” wika ni Arnold.


Natutuwa si Arnold na sa nangyari sa kanya, marami ang na-inspire to take care of themselves, eat healthy food, magkaroon ng healthy lifestyle at iba pang pag-iingat sa kanilang katawan.


Balik-UH si Arnold at kasama pa rin siya sa magse-celebrate ng 25th anniversary ng morning show. Gumigising pa rin siya nang maaga, kaya lang, parang hindi na babalik sa pagiging newscaster ng Saksi.


“Dalawampu't limang taon na kaming naghahatid ng mga balita at mga sorpresa. Maraming salamat sa mga kasama naming gumigising nang madaling-araw. Bahagi na ng aming buhay ang magpasaya sa inyo, magbigay ng pag-asa at maging alarm clock ninyo sa umaga at source ng mahahalagang impormasyon,” ayon pa kay Arnold Clavio.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page