ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 12, 2025
Photo: Liza Soberano - IG
Ang sipag makipag-mingle ni Liza Soberano sa iba’t ibang events sa America. Kamakailan lang ay um-attend siya sa Elton John’s after party para sa Oscars 2025.
Then, dumalo rin siya sa Manila International Film Festival (MIFF) 2025 kung saan siya ang presenter ng MIFF Trailblazer Award para sa Hollywood actor na si Nico Santos.
Second time na um-attend ng MIFF ni Liza kahit wala siyang movie entry tulad nu’ng nakaraang taon.
Aniya sa isang panayam, “This is my second time here attending, and I’m really happy that we’re making more efforts to kind of bridge the gap between Filipino Americans and the Philippines in all of the movies and the filming industry.”
Komento ng isang netizen, “Nagpapapansin lang si Liza kaya panay ang attend ng showbiz activities para hindi siya makalimutan. She’s always circulating sa showbiz para may maisulat sa kanya. Siya ang gumagawa ng paraan to let people know na she’s still in the industry pa rin.”
Pinili ni Liza na maging Hollywood actress at iniwan ang kanyang katanyagan dito sa ‘Pinas.
Ang debut movie niya as Hollywood actress ay ang Lisa Frankenstein (LF) but sad to say ay hindi ito kumita abroad, and after that ay tila walang nangyayari sa kanyang career abroad.
Anyway, si Morissette Amon ang nanalong Best Actress via Song of the Fireflies (SOTF) kung saan ito rin ang first film debut ng singer sa big screen at si Seth Fedelin naman ang Best Actor sa kanyang pagganap sa My Future You (MFY).
Ang dalawang personalidad ang napili ng audience na manalo bilang MIFF Audience Awards Best Actress at Best Actor.
Well, masaya si Liza na naging part siya ng MIFF’s biggest edition, “It’s really an exciting time. I’m really excited to be here. This is the biggest event that MIFF has hosted, so I’m really excited to be part of this moment, celebrating our pride as Filipinos.”
Last 2024 ay nag-launch ang aktres ng kanyang sariling production company. Ang ex-boyfriend naman niyang si Enrique Gil ay isa na ring producer.
Balitang nag-collab ang dalawa sa bagong pelikula na ang concept aims to push the boundaries of Philippine storytelling.
‘Di pa raw dyowa… ANDREA, INAMIN NANG ‘DATING’ SILA NI SAM FERNANDEZ
IBINULGAR ni Andrea Brillantes na may intimate scene sila ni Jake Cuenca sa Batang Quiapo (BQ). Hindi pa naipapalabas ang episode na ‘yun, pero inamin niya sa isang panayam na they were doing steamy scenes.
Esplika ng young actress, una raw ay inisip niyang mabuti kung gagawin ba niya ito.
Pero gusto raw niyang makilala as a versatile actress, at hindi raw masasabing versatile siya kung hindi niya gagawin.
Ipinag-pray na lang daw niya and she’s thankful sa paggabay ni Jake sa kanya at sa mga kasamahan sa BQ, lalo na kay Direk Coco Martin.
Ang dami na namang nega comments ng mga may disgusto sa aktres at sey ng isa, “Chaka (pangit) umarte ni Andrea.”
Siyempre pa, maraming fans ang nagtanggol kay Andrea at sagot sa namintas sa kanya, “Chaka ng comment mo, mas ng mukha mo. I’m sure.”
“I don’t even like Andrea pero ‘di naman chaka umarte.”
By the way, inamin na rin ni Andrea Brillantes na ‘they are dating’ na rin daw ni Sam Fernandez, pero hindi pa raw sila.
KINUMUSTA ni Ogie Diaz si Angel Locsin nang makiramay siya sa pagpanaw ng ama ng aktres.
Napag-usapan ng dalawa ang labis-labis na pagmamahal ni Angel sa ama.
Napag-alaman ni Ogie na isa umano sa mga dahilan kung bakit pinili ni Angel na pansamantalang huminto sa showbiz ay dahil sa amang may sakit.
Ang ama rin ang dahilan ni Angel kung bakit niya pinasok ang industriya sa kagustuhang mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya.
Ayon kay Ogie, tunay na kahanga-hanga umano ang pagmamahal ng aktres sa kanyang ama hanggang sa huling mga araw nito.
“So, nagkaroon nga tayo ng chance na makausap si Angel sa wake ng kanyang dad. Grabe talaga ang love ni Angel sa 98-year-old niyang ama dahil 18 days siyang natulog sa ospital matutukan lang ang kanyang daddy,” ani Ogie.
Aniya, “Kuwento nga ng asawa nitong si Neil Arce, kaya naman nag-artista si Angel ay para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya lalo na ang ama nito. At kaya naman siya nagpursige na mag-artista ay sa encouragement din ng ama.”
Isa umano sa mga dahilan ng pansamantalang pamamahinga ni Angel sa showbiz ay upang makapagbigay ng oras sa kanyang ama.
Sey ni Ogie, “Kaya naman nag-decide si Angel na huminto sa showbiz para magkaroon ng quality time sa butihing ama. Napakabuting anak talaga ni Angel, ano?”
March 5 nang mapabalitang pumanaw na ang ama ni Angel Locsin sa edad na 98.
Wala namang nabanggit si Papa Ogs kung babalik na sa showbiz ang magaling na aktres o hindi pa.