ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 2, 2021
Itinaas sa First Alarm ang Marikina River matapos umabot sa 15.7 meters mark ang lebel ng tubig ngayong Lunes nang umaga, ayon sa Marikina Public Information Office.
Binuksan din ang lahat ng gate ng Manggahan Floodway dahil sa biglaang pagtaas ng lebel ng tubig. Bandang 6:29 AM, umakyat pa sa 15.8 meters ang lebel ng tubig kaya patuloy na nakaantabay ang Marikina rescuers at mino-monitor ito.
Kapag umabot pa sa 16 metro ang tubig, ito ay nangangahulugang kailangan nang maghanda ng mga residente para sa posibleng evacuation dahil sa ganoong estado ay itataas na ang Second Alarm.
Samantala, ayon sa PAGASA, patuloy pa ring magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, at Bataan ang Southwest Monsoon o Habagat. Makararanas din umano ng maulap na panahon at isolated rain showers ang Metro Manila.
Comentarios