top of page
Search

Finalist na ba ang Hotshots at Giga?

BULGAR

ni Gerard Arce - @Sports | October 15, 2021



Maaaring maitakda ng league-leading TNT Tropang Giga at Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang paghaharap sa championship match sakaling manaig ang parehong koponan kontra sa San Miguel Beermen at Meralco Bolts sa make-or-break Game 6 ngayong araw sa best-of-seven semifinal series ng 2021 PBA Honda Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.


Puntirya pareho ng TNT at Hotshots ang pagbabalik sa 21st at 31st finals appearance sakaling tapusin ang mga laban ngayon kontra Beermen ng 3 p.m. at Bolts sa 6 p.m., ayon sa pagkakasunod.


Nilagok ng husto ng TNT ang 5-time Philippine Cup titlist sa nakalipas na laro matapos rumehistro ang anim na manlalaro ng double-digits at ang pagbabalik ng starting big man na si Kelly Williams, habang nagpatuloy sa impresibong laro hang naka-mask si Poy Erram matapos makaranas ng injury sa mukha.


Nakipagsabayan ng lakas sa depensa ang TNT kay 6-time MVP June Mar Fajardo sa pagbabalik ni Williams at paglalaro ni Erram, bagamat ang 6-foot-10 Cebuano stalwart ay kumolekta ng 23 pts at 12 rebs, nanatiling pambangga si Williams para tulungan sina Erram, Dave Marcelo at Troy Rosario para pigilan ang opensa ng Beermen.


We just have that extra body, that extra big guy to battle June Mar and Mo Tautuaa. They’ve been giving us huge problems through the series,” wika ni TNT coach Chot Reyes. “So having that extra big man was very big,” dagdag ni Reyes na nakakuha ng kontribusyon kina sniper Cebuano Roger Pogoy sa 18 pts at Asia’s best point guard Jayson Castro, 19 pts.


Tulad ng San Miguel, nasa parehong posisyon rin ang Meralco na muling nakakuha ng panalo at manatiling buhay pa ang tsansa sa semis ng iukit ang 102-98 panalo kasunod ng pagsisikap ng mga beteranong manlalaro, gayundin ay pagtulungan pang makahirit ng bagong araw mula kina Allein Maliksi, Nards Pinto, Chris Newsome at nagbabalik na si Raymond Almazan.


"We need to take that same attitude on Friday night on another do-or-die game. Finding a way to create our offense and make huge stops on defensive end. I think we didn’t need much adjustments but stay on the perimeter. If we stay close with Magnolia, then we will have a chance on taking a win against them,” paliwanag ni Meralco coach Norman Black na nagnanais na makabalik sa finals sa ika-5 beses at maghanap ng unang titulo sa Meralco, kasunod ng 11 titulo at grand slam championship sa San Miguel.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page