top of page
Search
BULGAR

Final answer ng Palasyo: Face shield, tuloy pa rin!

ni Ryan Sison - @Boses | June 19, 2021



“While waiting for the President’s decision on the matter, the existing policy on the use of face shields remains in effect.”


Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque kahit ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lamang gagamitin ang face shield ay hindi na sa mga pampublikong lugar.


Giit ng tagapagsalita, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Duterte na maging mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga enclosed/indoor spaces ng hospitals, eskuwelahan, workplaces, commercial establishments tulad ng malls at public markets, public transport at terminals at mga lugar ng pagsamba.


Matatandaang, Huwebes ng umaga nang sinabi ni Roque sa kanyang regular presidential briefing na ipinag-utos ng Pangulo ang hindi pagsusuot ng face shield, maliban na lamang sa ospital. Ngunit pagdating ng gabi, bigla itong binawi at sinabing patuloy na iiral ang mandatory na pagsusuot ng face shield.


Nangangahulugan lamang ito na patuloy ang polisiya sa pagsusuot ng face shield bilang dagdag-proteksiyon kontra COVID-19, habang hinihintay pa ang pinal na desisyon ng Pangulo.


Sa totoo lang, noon pa man ay problema na natin ang tila laban-bawing mga desisyon ng pamahalaan, na nagiging dahilan ng pagkalito ng taumbayan.


Sa halip na maging malinaw, hindi malaman ng ating mga kababayan kung kanino makikinig at masusunod, kaya ang ending, nakakagawa pa ng paglabag.


Kaya pakiusap sa mga kinauukulan, ‘wag basta-bastang magbitiw ng kautusan hangga’t hindi nagkakasundo ang mga opisyal. Kumbaga, iwasan nating madagdagan pa ang alalahanin ng taumbayan.


Bilang mga opisyal ng gobyerno, tungkulin ninyong magbigay ng malinaw at maayos na panuntunan, na siyang susundin ng taumbayan.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page