top of page
Search

Final answer na raw… POKWANG, NEVER NANG BABALIKAN ANG KANONG TATAY NG ANAK

BULGAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 21, 2022




Marami ang nanghihinayang sa paghihiwalay ni Pokwang at ng Amerikanong mister niyang si Lee O'Brian. Baka raw may pag-asa pa na sila ay magkasundong muli at madugtungan ang kanilang love story lalo na't may anak sila na magbubuklod sa kanilang pagsasama.


Pero sa isang interview ni Pokwang, final answer na ang kanyang ibinigay na ayaw na niyang makipagbalikan pa kay Lee. Tama na raw na maayos silang naghiwalay.


Hindi naman niya pinagbabawalan na makita at makasama ni Lee ang anak nilang si Malia. May mutual agreement sila na co-parenting sa kanilang anak. Pero bilang couple, tapos na at wala nang dapat pag-usapan na balikan.


Naiintriga tuloy ang marami kung ano talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Lee O'Brian?


Todo-puri at tanggol si Pokwang sa dating karelasyon, pero ayaw naman niyang makipagbalikan.


Gaano ba katindi ang atraso ni Lee kay Pokwang kaya ayaw na itong bigyan ng second chance ng komedyana?


Well, pasasaan ba't lalabas din kung ano ang totoo! May malalapit na kaibigan si Pokie na tiyak na nakakaalan ng tunay na kaganapan at misteryo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page