top of page
Search

Final answer.. De Lima, abswelto sa 2nd drug case

BULGAR

ni Mai Ancheta @News | July 29, 2023




Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang mosyon ng prosecution na baligtarin ang desisyong pag-abswelto kay dating Senador Leila de Lima sa ikalawang kaso nito sa ilegal na droga.


Ayon sa Muntinlupa RTC Branch 204, kulang sa merito ang mosyon ng prosecution na humihiling na baligtarin ang desisyon sa ikalawang drug case ng dating senadora na dinesisyunan noong May 2023.


Ayon kay Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara, bawat acquittal o pagka-abswelto ay nagiging pinal pagkatapos ng promulgasyon at hindi maaaring bawiin para amyendahan.


Binigyang diin ng hukom na kapag pinagbigyan ang motion for reconsideration ang mosyon ng estado ay malalabag ang Constitutional prohibition sa jeopardy.


Matatandaang naabswelto rin si De Lima sa unang kaso nito sa droga at isa na lamang ang natitirang kaso nito na dinidinig sa korte.


Ang natitirang drug case ng dating senadora ay may nakatakdang hearing sa August 1, 2023 sa ilalim ng bagong hukom matapos mag-inhibit ang dating judge na humawak sa kaso.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page