top of page
Search
BULGAR

Filipino Chinese community, suportado ang Donate Philippines’ medical at dental mission

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 15, 2021





Hello, Bulgarians! Bilang suporta sa inisyatibo ng Donate Philippines, isang organisasyon na tagapagtaguyod ng voluntary blood donation, para magsagawa ng mga medical at dental mission sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan, ang Filipino Chinese community na pinamumunuan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.


(FFCCCII) at FFCCCII Foundation, Inc. kasama ang Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines, Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc., Overseas Chinese Alumni Association of the Philippines, Filipino-Chinese Amity Club, World News Daily, Ang Filipino-Chinese Shin Lian Association, Philippine Chinese Commerce & Industry Overseas Association, Philippine Soong Ching Ling Foundation, Philippine Jin Jiang Shen Fu Zhen Association, at World Fujian Youth Federation of the Philippines ay namigay ng bigas, noodles, gamot, facemask at bitamina para sa nasabing proyekto. Nanguna sa turnover ceremony ang FFCCCII Board Directors Social Responsibility Committee Chairman Antonio Cosing at External Affairs Committee Chairman Nelson Guevarra, Welfare Committee Chairman Bonifacio Lui, at iba pang opisyal ng Filipino Chinese associations. Ang FFCCCII at ang Filipino Chinese community ay nagpasimula ng iba't ibang outreach program mula noong nakaraang taon upang tulungan ang mga komunidad na makayanan ang pandemya ng COVID-19.



 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page