top of page
Search
BULGAR

Filing ng COC, walang extension

ni Madel Moratillo @News | August 30, 2023




Hindi na palalawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng paghahain ng certificate of candidacy para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Kasabay nito, umapela si Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na huwag sa huling araw o sa September 2 dumagsa.


Sa ikalawang araw ng paghahain ng kandidatura, napansin ng Comelec na kakaunti na ang bilang ng mga naghahain ng COC sa iba’t ibang venue.


Sa initial na datos ng Comelec, nitong Lunes, Agosto 28, unang araw ng paghahain ng COC ay umabot sa higit 273 libo ang nag-file ng kandidatura.


Katumbas ito ng 35.23% ng 672 libong bakanteng puwesto na pupunuan para sa BSKE.


Samantala, iniulat din ng Comelec na may 4 na election related violence ang naitala kasabay ng pagsisimula ng election period para sa BSKE.


Ang 2 rito ay sa bayan ng Libon sa Albay, kung saan ang sangkot ay isang naghain sa pagka-kapitan at isa naman ay kagawad, bukod pa sa nangyari sa Maguindanao at Rizal.


Tiniyak ng Comelec ang mahigpit na monitoring sa mga lugar na posibleng magkaroon ng karahasan lalo at inaasahan aniyang mas mataas ang tensyon sa barangay level.



Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page