ni Gerard Arce @Sports News | Jan. 3, 2025
Photo: Van Sicle at Davison - Circulated sports
Sakaling magsama sa iisang koponan ang dalawa sa mga hard-hitting spikers ng bansa na sina dating MVP Brooke Van Sickle ng Petro Gazz Angels at Savi Davison ng PLDT High Speed Hitters, paniguradong maraming magugulantang sa mga atake nito sa taraflex court.
Kahit pa man magkatunggali sa Premier Volleyball League (PVL) ang dalawang Filipino-Foreigner volleybelles ay nagkakasundo ang mga ito ayon sa pagtataguyod ng iisang pagkakabuklod na batay sa kapwa paghanga sa isa’t isa na nakatuntong naman bilang ikalawa at ikatlong scorer sa liga, ayon sa pagkakasunod.
Pumasok sa lokal na volleyball tourney ang Filipino-American na si Van Sickle noong Enero na sinundan ng isang komperensiya ang Filipino-Canadian na si Davison. Parehong lumalaro sa iisang posisyon ang dalawang hard-hitting spikers na nagkamabutihan bilang ‘best friend’ sa labas ng court.
Kung mabibigyan ng pagkakataon na maayos ang pagkakakumpleto ng pagpapalit ng kanilang pederasyon at iba pang mga kinakailangang asikasuhin ay maaaring magsanib-puwersa ang dalawa sa Alas Pilipinas national team.
Hindi maiaalis ang pagkakapanabik ng dalawang Fil-Foreign spikers na maaring magsama sa National squad, o maaari ay sa iisang koponan sa PVL sa mga darating na panahon.
“(Savi) is a beast on the court. One day, I don't know if that will ever happen, but it'd be cool to be able to be teammates with her at some point. She's just a cool girl,” pahayag ni Van Sickle sa isang report.
Naging positibo rin ang tugon ni Davison patungkol sa posibilidad na magsama sila sa iisang koponan ni Van Sickle, na kasalukuyang nangunguna sa team standings sa 5-1 kartada, habang nakatuntong sa 3-2 rekord ang PLDT sa 5th spot.
Comentarios