ni Lolet Abania | August 30, 2020
Nakamit ni Fil-Am sprinter at 2019 SEA Games gold medallist Kristina Knott, ang record ng women’s 100-meter dash matapos makapagtala ng oras na 11.27 seconds at makuha ang silver medal sa 2020 Drake Blue Oval meet sa Iowa.
Sinira ni Knott sa oras na 11.27 seconds (+1.5 m/s), ang 33-taong national record ni Lydia De Vega-Mercado at Southeast Asian Games na may 11.28 sec. na naitala noong 1987 Southeast Asian Games sa Jakarta, Indonesia, kung saan naganap ito walong taon bago pa siya isinilang.
Kinilala ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang achievement ni Knott sa isang congratulatory post sa Facebook account.
“KK (Knott) breaks sprint legend Lydia De Vega-Mercado’s 33-year 100m record with an 11.27s performance, coming in second at the Drake Blue Oval Showcase’s 100m event. Congratulations KK!” ayon sa post, kasama ang larawan ni Knott.
Gayundin, unang nai-report ng Pinoy Athletics ang husay ni Knott, nang ang aleta ay tumakbo ng one lane ang layo dahil sa health restrictions sa panahon ng pandemya. Na-settle ng 24-anyos na si Knott at naungusan si Kayla White.
Dagdag pa sa tagumpay ni Knott, ang malapit nang makuhang qualifying standard ng susunod na taong Tokyo Olympics na 11.15 sec. habang nalampasan ang kanyang silver-medal finish na 11.55 sec. sa 2019 SEA Games.
Nakamit din ni Knott ang SEA Games record sa 200m.
Comments