ni Anthony E. Servinio / MC - @Sports | November 28, 2021
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_f8d33a452d1241c8a98b3f96e06aa9f0~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_f8d33a452d1241c8a98b3f96e06aa9f0~mv2.jpg)
Namatay ang isang 20-year-old Filipino-American college student mula sa Las Vegas nitong linggo dahil sa injuries matapos sumabak sa amateur charity boxing match.
Ayon sa ulat, lumahok si Nathan Valencia, estudyate ng University of Nevada Las Vegas (UNLV), sa charity boxing event na inorganisa ng local fraternities ng UNLV.
Sinabi ng mga saksi na halos hindi na natapos ni Valencia ang laban at hilong-hilo ito at hindi na halos makatayo matapos ianunsiyo ang nanalo.
Nawalan ng malay ang Pinoy matapos ang laban at agad na sinugod sa ospital. Namatay ito matapos ang ilang araw.
Samantala, tumataginting na P2-M ang nakahandang igawad sa kampeon ng CTG Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational 2021 na magsisimula sa Dis. 11 sa MOA Arena.
Ayon ito kay CTG owner Ronald Mascarinas sa pagtatapos ng opisyal na bunutan ng torneo noong Biyernes ng gabi.
Magiging maligaya ang Pasko ng mananalo at may P500,000 para sa 2nd place at P250,000 sa 3rd. Namuno si MPBL Commissioner Kenneth C. Duremdes sa bunutan upang malaman ng 22 koponan kung sino ang makakalaro.
Bilang kampeon ng VisMin Super Cup noong Agosto, pasok na agad ang Jumbo Plastic-Basilan Steel sa Grupo B habang isinama ang Almeria-San Juan Knights sa Grupo C bilang pumangalawa sa MPBL Lakan Cup sa gitna ng pagliban ng kampeon Cocolife-Davao Occidental Tigers.
Nabunot sa Grupo A ang Caloocan Excellence, Iloilo United Royals, Bacolod All-Star Ballers, Sta. Lucia-Pasig Realtors, Bacoor Strikers at ang bagong tatag na Negros Muscovados. Kasama ng Basilan sa Grupo B ang Laguna Krah Asia, Bicol Volcanoes, Marikina Shoe City at FSD-Makati Blazers.
Haharapin ng Knights ang Nueva Ecija Rice Vanguards, Sarangani Marlins, MJAS Zenith-Valenzuela at Muntinlupa Cagers sa Grupo C. Tampok sa Grupo D ang Imus Bandera, Bulacan Kuyas, Rizal Coolers, Manila Stars, EOG Sports-Mindoro Tamaraws at General Santos Warriors.
Comments